Parang aso naman kung makangiti si Voltaire habang nakatingin sa kanya si Eloise. Sa kaloob-looban niya ay labis siyang kinabahan na baka hindi siya pansinin ng dalaga dahil sa ginawa niya kanina. “Anong ginagawa mo dito?” pagtatanong ni Eloise sa isang mahinang boses. “I’m here to say sorry about kanina,” tugon ni Voltaire sa isang marahang tono. He silently hopes na sana’y hindi galit ang dalaga sa kanya. He know that he’s a jerk for not showing up. Nag-alinlangan siyang ngumiti rito dahil hindi siya sigurado kung masaya ba ang dalaga na narito siya o hindi. “Eloi? May kausap ka?” pagtatanong ni Jianne. Madilim na sa parte ni Eloise dahil pinatay niya na ang kanyang standing lamp kaya hindi nito naaninag si Voltaire na nasa labas ng bintana. “Is that Jianne?” pagtatanong ni Volta

