Hila-hila ni Eloise ang kanyang maleta at nakasukbit naman sa kanyang katawan ang maliit niyang bag. Limang araw silang mawawala para sa kanilang field trip na siyang kahapon pa ipinagdiriwang ni Jianne habang nasa mall sila. Sabay na naglakad sina Eloise at Jianne patungo sa front side ng skwelahan dahil nandoon ang lahat bus na siyang kanilang sasakyan patungo sa kanilang destinasyon. "One bus for one section pala. Akala ko random," malungkot na wika ni Jianne habang tinitignan ang mga naglalakihang school bus na may karatula kung anong section ang sasakay sa bus na nakahilera. "Paano 'yan? Hindi tayo magkakatabi," natatawang wika ni Eloise. "Nag-prepare pa naman ako ng maraming snacks para kainin natin habang nasa biyahe tapos ngayon, maghihiwalay pala tayo!" pagdadabog na wika n

