“Today, I am going to announce the final date for your upcoming field trip,” anunsyo ng kanilang guro habang isa-isang tinignan ang mga estudyante na nasa kanyang harapan. “The field trip will on October 18, four days from now. We already sent an email to your parents to ask their consent.” Napasinghap ang ibang estudyante dahil sa kanilang narinig. Hindi maipagkakaila sa pagmumukha ng mga ito na nasasabik sila na dumating ang araw na iyon. “This would be our last field trip in our high school days,” nanlulumong wika ni Drexiel. “Yeah,” pagsang-ayon ni Cris at sumandal sa kanya upuan. “I will badly gonna miss it when we go to college.” “Parang ayoko ko na lang mag-college dahil iba kasi ang saya kapag nasa high school ka pa,” pahayag ni Arkie na may isang malungkot na pagmumukha.

