Nagpatuloy lamang sa pagpasok sa loob si Eloise habang kasunod naman nito si Jianne. Gustuhin man niya na pigilan ang kaibigan at sa iba nalang sila kumain, tila hindi na nito mababago ang desisyon niya. Nagpakawala ng isang buntong hininga si Jianne. These past few day is really been hard for Eloise. Araw-araw na lamang ay ganito lagi ang eksena. Minsan ay may nakikita silang mga sobre na naglalaman ng masasakit na mensahe para kay Eloise sa labas ng kanilang silid sa dorm. Sa kabila ng mga lahat ng nangyari sa kaibigan ay nanatili pa rin itong nakangiti. Kung siya ang nasa posisyon ni Eloise ay baka matagal na siyang lumipat sa ibang paaralan upang limutin ang mga masasamang ala-ala niya. "Anong gusto mong kainin, Jianne?" pagtatanong ni Eloise rito nang malapit na sila pila. "Ako

