ABALA ang lahat ng mga tao sa tahanan ng pamilyang Infiesto. Kitang-kita ang mga mamahaling mga palamuti sa buong paligid ng garden nito. Ngayon ay ang kaarawan ng ama ni Eloise. Taon-taon ay ganito kabongga ang kaarawan ng ama ni Eloise dahil hindi lamang basta-basta ang mga bisita nito. Mga bigating tao ang lahat na pumupunta sa kaarawan nito kay dapat lang na maging magara ang handaan. Nasa loob ng kuwarto sina Eloise at Jianne habang naghihintay na sila’y tawagin ng ina. Maraming inasikaso sa baba kaya hindi pa nagsisimula ang programa. Pinaldalhan ni Eloise ng imbitasyon ang tatlong lalaking maging sina Mellisa at Sarfel. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating ang mga ito. “So, ano na? Kuwento kana dali!” pangungulit ni Jianne sa kaibigan. Naputol kasi ang pag-uusap ni

