“E-Eloise?” hindi siguradong wika ng ina ni Voltaire. Kitang-kita sa buong pagmumukha ni Eloise ang labis na pagkataka. Hindi pa man siya napapakilala ni Voltaire, subalit paano nito nalaman ang kanyang pangalan. Naglakad ito papalapit sa kanilang kinaroroonan at hindi mapakali si Eloise dahil pamilyar sa kanya ang babae. Hindi niya maalala kung saan niya ito nakita pero ang mukha nito ay tandang-tanda niya. Pilit niya iyon inalala na para bang ito na lang ang kulang na piyesa upang mabuo na ang mga alaalang matagal niya nang nakalimutan. “It’s you,” maluha-luhang wika nito. Halos mapaatras si Eloise dahil sa pagkabigla nang hawakan ng ina ni Voltaire ang pagmumukha nito. Pati rin si Voltaire ay nagtataka sa inasal ng ina. “Mom?” pagtawag niya sa atensyon nito na agad naman ikina

