"I don't want to go, Dad!" pag-angal ni Voltaire sa kanyang ama habang kumakain ng buko salad. Pinakiusapan kasi ni Mr. Jin ang ama ni Voltaire na papuntahin ang binata sa dinner date na inihanda ni Crishiella. Mas lumalim pa ang nararamdaman ng dalaga para kay Voltaire kahit na halatang iniiwasan sita palagi nito. "Just this once, okay?" pakiusap ng ama niya ngunit buo ang desisyon ni Voltaire na huwag mupayag sa gusto nitong mangyari. "Dad, I love someone else!" aniya sabay lagay ng bowl na pinagkainan niya sa mesa. "Wala ito sa usapan natin na popormahan ko si Crishiella. She's a fine young lady but she's not my type!" nakakunot ang noo ni Voltaire habang sinasabi iyon sa ama. Palipat-lipat ang tingin ng ina ni Voltaire sa mag-ama. Wala siyang intensyon na makialam sa usapan ng mg

