NANATILING nasa loob lamang ng infirmary sina Eloise at Jianne dahil sumasakit pa rin ang ulo ni Eloise gawa ng pakikipagsabunutan niya. Akala nila ay magkikita ulit sila rito ni Livia ngunit ilang oras na ang nakalipas ay hindi naman ito pumunta. Napabuntong hininga si Jianne habang nakatingin sa labas ng bintana, “Paano ‘yan? Hindi mo tuloy nasabi kay Voltaire ang gusto mong sabihin.” Napaisip si Eloise dahil nasayang lamang ang pagkakataong iyon. Ngunit hindi niya naman hinayaan na manghina ang sarili dahil sa hindi inaasahang nangyari kanina. “Okay lang. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya ang lahat,” aniya na may isang ngiti sa labi. “So this will serve as our first cutting class?” natatawang wika ni Jianne rito. Napailing si Eloise at napatawa rin, “Yeah. Paano ba ‘yan? Ayaw n

