"Cris," wika ni Voltaire nang tuluyan na itong makalapit sa gawi nina Jianne. "When did you arrive? Sana man lang nag-text ka nang masundo ka namin," nakangiting sambit ni Cris sa kaibigan. Napangiti si Voltaire at nagsalita, "Para nga surprise? 'Di ba?" Napatawa ng bahagya si Cris dahil tama nga naman ang sinabi nito. May sasabihin pa sana siya ngunit agad naman sumingit sa usapan si Jianne. "Can we just go the cafeteria? I'm hungry," pagrereklamo nito. Voltaire chuckled, "Let's go. Nang mapakain na ni Jianne ang kanyang mga alaga." Humagikhik naman sina Eloise at Cris dahil sa sinabi nito. Napanguso si Jianne dahil sa pang-aasar ng binata. Nagpapasalamat siya dahil dumating na ito ngunit dahil sa ginawa nitong pang-aasar sa kanya, parang gusto niya na lang bumalik si Voltaire kung

