Episode 19 (Ikalawang pagkikita part 2)

812 Words
Pagkapasok ni Edward, Keanna at Devaki sa classroom ay naisip na magtabi-tabi na silang tatlo. Sakto, pagkaupo nila sa upuan ay biglang dumating ang kanilang subject teacher. Pag-apak palang ng subject teacher nila ay sumigaw na agad ang mga babae dahil ang subject nila ay gwapo. "Ang pogi ni sir." karamihan na bulong ng mga kababaihan sa classroom. Pati ang bagong kaibigan ni Devaki na si Keanna ay nakisigaw din. Habang sila ay namamangha, si Devaki ay nagtataka. "Diba siya yung humabol kay tita nung nakaraan." takang sabi ni Devaki. "Okay class, I will introduce myself, I am Timothy Sefretheur your subject teacher in English and I hope if we can, I want us to have a perfect attendance, if just possible but it still okay if we have an absent but you need to have a reasonable excuse, understood?" pagpakilala ni Timothy sa mga estudyante. Pagkatapos magsalita ni Timothy ay lahat sila ay sumang-ayon. "Huh, ano yung absent? Di ko alam yun." bulong ng mga kababaihan sa classroom. "Hayyst, mga babae tlaga oh, pag gwapo ang kaharap, parang ang tino-tino." bulong ng mga kalalakihan ng mga classroom. Pagkatapos ng usapan ay nagsimula na sila sa klase. Pagkatapos ng dalawang klase ay dumating na ang recess nila. Naging masaya ang recess ni Devaki dahil may nakakausap na siya tulad nila Edward at Keanna. Pagkatapos nilang magrecess ay dumiretso na sila sa susunod nilang klase. Habang nagtatawag na ng mga pangalan ng teacher nila, may dumating na isang lalaki na parang pagod na pagod at tila tumakbo. "Sorry mam, I am late, I got lost and I just find my room, I am sorry." sabi ng lalaki."Okay mister, you can." sabi ng teacher. Pagkatapos ay dali-daling umupo ang lalaki. Sa ikalawang beses sa araw na yun ay nagtaka si Devaki. "Parang nakita ko na ang taong yun,? Ah, nevermind." isip ni Devaki. Pagkatapos ng klase na yun ay dali-daling umalis ang lalaki na yun na parang may hinahabol na oras. "Ang weird ng lalaki na yun, parang laging hinahabol ng oras." sabi ni Edward. "I agree to you." sabi ni Keanna. "Hayaan na natin siya, buhay niya yan." sabi ni Devaki. Sa lahat ng klase ay nakakasama lagi ni Devaki ang lalaking iyon at laging nagmamadali ang lalaking iyon sa bawat subject na kanyang pupuntahan. Sa wakas ay dumating na ang uwain at hinihintay na lamang ni Devaki ang kanyang tita. Habang naghihintay si Devaki sa labas ng school ay nakita niya ang lalaking iyon na tumatakbo habang palabas ng school at sa panahon, hindi na niya pinansin. "Tumatakbo na naman siya, pinapagod niya lang ang sarili niya." sabi ni Devaki. Sakto at dumating na din ang kanyang tita na si Raphinia. Pagkalabas ni Raphinia sa sasakyan ay tinanong niya si Devaki. "Kamusta ang unang araw ng klase?" tanong ni Raphinia. "Ayos lang naman po tita, may mga nakilala na po ako." sabi ni Devaki. "Well, mana ka talaga sa amin ng nanay mo, masaya at madaling pakisamahan hindi tulad ng tatay mo na kailangan talaga ng pasensya para mapakisamahan kaya lang naging mabait sa nanay mo dahil diba nga nililigawan niya kaya dapat magpakitang-gilas siya HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." nakangiting sabi ni Raphinia. Papasok na sana silang mag-tita sa loob ng sasakyan ng sumigaw si Timothy. "Raphinia!!!!!!" maligayang sigaw ni Timothy. "Tayo na Devaki, alis na tayo." sabi ni Raphinia. Papasok na sana si Devaki at Raphinia sa sasakyan ng tinawag naman ni Timothy si Devaki. " Devaki." tawag ni Timothy. "He-hello po sir HEHEHEHEHEHEHEHE." sabi ni Devaki. "Sir?" takang tanong ni Raphinia. "Devaki, bakit hindi mo ako ipakilala sa tita mo." sabi ni Timothy. "Uhm, tita, siya po si Sir Timothy Sefretheur, English Teacher ko po." nanginginig na pakilala ni Devaki. "Well then, I am Raphinia Abacus Veraconio-Revorcia, the aunt of Devaki, nice to meet you. So, if you don't mind, we need to leave now because its getting dark now and have a safe trip to you let's go." mahinahong sabi ni Raphinia. Pagkatapos magsalita ni Raphinia ay agad na silang pumasok sa sasakyan at umalis na habang si Timothy ay naiwan lang dun habang nakangiti. Kinagabihan ay tumawag si Secredus (tatay ni Devaki) kay Raphinia. Nang pagkasabi ni Raphinia ng mga nangyari ay hindi mapigilan ni Secredus na tumawa. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA, baka sign na yan, baka yung mali mong confession nung High School ay tama pala." pang-aasar na sabi ni Secredus kay Raphinia. "FYI kuya, hindi na ako nahihiya sa ginawa ko at saka naging asawa naman ako ni Lance kaya wala na akong pake dun.at saka ilang taon palang nawawala ang asawa ko kaya ayoko muna." sagot ni Raphinia. "Pero seryoso, pakiramdam ko, may gusto sayo yun." sabi ni Secredus. "Huwag muna tayong umasa at saka di pa ako sure sa mga ganyan, ang atensyon ko ngayon, nasa anak ko na si Analy kaya wala pa,akong time para dyan." sabi ni Raphinia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD