Episode 18 (Ikalawang pagkikita part 1)

718 Words
Dumating na ang simula ng klase ni Devaki sa kainyang unibersidad. Aminado si Devaki na kinakabahan siya sa unang araw niya sa klase dahil hindi lang ito unang araw ng klase para sa kanya, dahil unang araw din ito ng pagsabak niya sa panibagong lugar, panibagong mga tao, at panibagong mga karanasan ang naghihintay para sa kanya. Habang nasa biyahe ay nagsalita si Devaki. "Tita, kinakabahan po ako. Hindi ko po alam ang mga galawan dito." kabang sabi ni Devaki. "Ayos lang iyan, ako din naman nung unang beses akong nagtrabaho dito, kinabahan din ako pero isipin mo lang na para sa sarili mo ang ginagawa mo at para sa kinabukasan mo." kalmadong sabi ng tita niya na si Raphinia. "Salamat po sa pagbibigay ng lakas ng loob. KAKAYANIN KO TOH !!!!!!" nakangiting sabi ni Devaki. Pagkarating nila sa unibersidad ay nakita niya na ang marami siyang pagdaraanan dahil nakita na niya agad ang mga tao na maraming ginagawa. "Okay ka na ba Devaki?" tanong ni Raphinia sa kanya. "Opo tita, salamat po." sagot ni Devaki."Sige, sunduin nalang kita mamaya tutal naman sabay din naman ang uwian mo at uwain ko. Hintayin mo nalang ako dito." sabi ni Raphinia. Pagkatapos nilang mag-usap ay umalis na si Raphinia upang pumasok. "Kakayanin ko toh." isip ni Devaki na nanatili sa may tapat ng gate. Pagkatapos ay agad na siyang pumasok sa pinto ng unibersidad at nagpatuloy sa paglalakad si Devaki. Habang naglalakad siya ay nabalutan siya ng kaba dahil hindi niya alam ang gagawin. Habang naglalakad siya ay may lumapit sa kanya na magkaibigan na isang babae at isang lalaki. "Uhm, hello,do you know where the Building 2 is?" tanong ng lalaki. "Uhm, sorry I don't know either, I am just a freshman and I don't know the whole school yet, sorry." sabi ni Devaki. "Oh okay, sorry if we disturb you  HEHEHEHEHEHEHEHE." sabi ng lalaki. Pagkaalis ni Devaki ay naririnig niya nag-uusap yung dalawang magkaibigan. "Hayyst, baka maligaw na tayo nito." alalang sabi ng babae. "Di yan teh, masyado kalang nega, makakahanap din tayo ng daan at saka, ang aga pa, gala nalang tayo HEHEHEHEHEHEHE." kalmang sabi ng lalaki. "Mukha ka talagang gala, ano na namang hahanapin mo? Nakikita ko na ang gagawin mo teh, namomoblema na nga tayo tapos yan pa ang gagawin mo." inis na sabi ng babae. "Masyado kang adbans, hindi pa yun ang gagawin pero someday HEHEHEHEHEHEHEHEHE char. Maghanap na nga tayo habang maaga pa." sabi ng lalaki. Narinig ni Devaki ang pag-uusap nila kaya siya na ang nagsalita. "Mga Pilipino din kayo, at diba Bulding 2 ang pupuntahan niyo? Baka yung pupuntahan ko yun o baka madadaanan ko yun. Kung gusto niyo lang naman, sabay-sabay na tayo." anyaya ni Devaki. "Sige, salamat." sabi ng dalawang magkaibigan. Habang naglalakad ay kinausap ng dalawang magkaibigan si Devaki. "Uhm hello, ako si Edward Ortodeux  Lefremosc, you can call me Eds or basta kung ano trip mo HEHEHEHEHEHEHEHE." pagpapakilala ni Edward. "Uhm hello, I am Keanna Cyphridisch Calypheo, you can call me Keanns or like ng sabi ni Eds, kung ano trip mo HEHEHEHEHEHEHE." sabi ni Keanna. "Ako naman si Devaki Topaz Veraconio, you can call me Dev or Aki kung ano trip niyo HEHEHEHEHEHEHEHEHEHE." sabi ni Devaki. "Uhm, if you don't want kung tatanungin ko kung ano yung sinasabi mo na gagawin ni Eds?" tanong ni Devaki kay Keanna. "Ah, yun ba, kasi lagi kaming gumagala para maghanap lagi ng libro, mg novels ganun, gusto niy kasing maging writer kaso tamad kaya hanggang isip nalang." sabi ni Keanna. "Hoy, hindi ako tamad, wala lang akong time." sabi ni Edward. "Hmp, eme mo HAHAHAHAHAHAHAAH." sabi ni Keanna. Pagkatapos ng usapan nila ay saby-sabay silang nagtawanan. Habang naglalakd sila ay nakita ni Keanna at Edward ang pupuntahan ni Devaki hanggang sa nakapunta na sila sa destinasyon ni Devaki. "Uhm, dito ba ang classroom mo?" tanong ni Edward. "Yep, bakit, malayo pa ba sa inyo, ito na room ko at alam ko naman na kaya samahan ko na kayo." sabi ni Devaki. "Hindi, ibig naming sabihin ay pareho din tayo ng lugar." sabi ni Edward. "So, magkaklase tayo?" tanong ni Devaki. "OO!!!!!!!!" tuwang sabi ni Edward at Keanna. Pagkatapos noon ay sabay-sabay nagsigawan sa tuwa. Sa wakas, nakahanap na din si Devaki ng mga kaibigan niya sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD