Kinabukasan ay maagang nagising si Raphinia at Devaki para mamili ng mga gagamitin ni Devaki sa darating na pasukan. Pagkagising ni Devaki ay nakita ay bumaba na agad siya at pagkababa niy ay nakita na niya agad ang mga pagkain sa hapag. "Oh, gising ka na pala Devaki, kumain ka na at maligo na rin para maayos ka pagpunta sa grocery, HEHEHEHEHEHEHE." sabi ni Raphinia. "Sige po tita HEHEHEHEHEHEHEHE." sabi ni Devaki. Pagkakain ni Devaki ay agad na siyang dumiretso sa palikuran para maligo at makapag-ayos. Pagdating nila Raphinia at Devaki ay nakita na ang maraming tao sa loob ng grocery. Dahil dito, namangha si Devaki sa nakita niya at nagsalita."Andami din palang tao dito tita." manghang sabi ni Devaki. "Ano namang pagkakaiba ng Pinas at ng ibang bansa HAHAHAHAHAHAHAHA, may tao din naman sa ibang bansa kaya malamang maraming tao din dito." paliwanag ni Raphinia. Pagkatapos nilang mag-usap ay patuloy sila sa paglalakad nila sa buong grocery. Habang namimili sila sa school supply part ay may nakita siyang magandang ballpen kaya sinabi niya ito kay Raphinia. "Tita, pwede pong kumuha na ballpen na ganun, kung mahal naman po di ko na kukunin." paalam ni Devaki. "Sure, pero kung mahal man okay lang dahil kung gagamitin mo naman why not naman diba pero maganda din yung maging matipid kaya magaling ka sa part na yun." sabi ni Raphinia. Pagkatapos mamaalam ni Devaki ay diretso agad siya sa parte ng mga ballpen para kumuha ng isang ballpen na ganun, nang kukuha na siya ng ballpen ay biglang may isang tao na mabilis na kumuha ng ballpen na nais ni Devaki at saka umalis ng parang walang nangyari. "Ang weird niya huh, buti nalang marami pang ballpen na katulad nun pero ang weird nung taong yun, HAYYST !!!!!" sabi ni Devaki. Pagkakuha niya ng kanyang nais na ballpen ay agad siuyang dumiretso kay Raphinia na kasalukuyang namimili ng mga kuwaderno para sa darating na klase. Pagkatapos nilang mamili ay dumiretso na sila sa counter para mabayaran na ang mga binili. "Devaki, mauna ka na sa labas, kaya ko na ito," sabi ni Raphinia. "Sige po tita." sabi ni Devaki at agad na umalis. Habang naghihintay si Raphinia sa pila ay nakita niya ang kanyang former classmate noong High School na si Timothy na naglakad papunta sa counter at pumila sa likod niya habang gumagamit ng cellphone at wala sa daanan ang mata. Pagdating ni Timothy sa likod niya ay hindi makatingin si Raphinia sa likod at baka makilala siya nito. "Hindi ako titingin sa likod baka makilala ako ni Timothy nubayan, baka mamaya maalala niya yung false confession na nagawa ko sa kanya nung High School." isip ni Raphinia. Si Timothy ay isa sa mga kaklase ng late husband ni Raphinia na si Dominic nung High School, noong panahon na yun, crush na crush ni Raphinia si Dominic kaya siya na ang gumawa ng paraan para magconfess, humingi pa siya ng tulong sa nakakatanda niyang kapatid na si Secredus (tatay ni Devaki) na ibigay ang sulat kay Dominic at kapalit nito ay tutulungan niya din ang kapatid na magbigay ng sulat kay Samantha (nanay ni Devaki). Pagkabigay ni Secredus ng sulat kay Dominic sa tennis court ay sinabi niya dito na naghihintay si Raphinia sa labas kaya kung maari daw ay lumabas daw si Dominic para malaman ito mismo kay Raphinia. Kaya sumang-ayon si Dominic kaya sinabi ni Secredus kay Raphinia na lalabas na si Dominic at saka na niya isigaw ang confession. Nagtaka si Raphinia kung bakit kailangan sumigaw, at sagot ni Secredus sa kanya ay para malaman na niya aga ang laman ng sulat, sabi ni Samantha ay sayang naman ang ginawa niyang sulat ngunit sinabihan siya ni Secredus na baka sa susunod pa mabasa ni Dominic yun at maunahan pa siya ng ibang babae kaya nag-abang si Raphinia sa pinto. Nang may lumabas na isang lalaki ay sinigaw na ni Raphinia ang nilalaman ng puso niya ng panahon iyon at pagkasigaw niya ay bigla siyang nagtago at makita ang rekasyon ni Dominic pagkalingon ngunit nung lumingon ang lalaki ay grabeng hiya ang naramdaman niya nang ibang lalaki ang lumingon. Hindi lang grabeng hiya ang naramdaman niya kung hindi grabeng pagkadismaya dahil nasayang sa wala ang ginawa niya. At ang masakit ay hindi niya kilala ang lalaki na lumingon, kaya niya lang nakilala ay dahil may sumigaw ng pangalan nito sa loob ng tennis court at kaya niya nakilala dahil sa mukha nito. Ngunit kahit ganun, nagtagumpay din naman si Raphinia sa dulo dahil naging asawa naman niya si Dominic kaso nawala nga lang ito ng maaga. Balik sa kasalukuyan, hindi mapakali si Raphinia dahil hindi niya alam kung makikilala ba siya ni Timothy at kakausapin. "Sana matapos na ito." isip ni Raphinia. Habang nasa pila si Raphinia ay nasa labas si Devaki at naghihintay, habang naghihintay ay nakita ni Devaki ang lalaki na mabilisang kumuha ng ballpen kanina na mabilisang lumabas sa grocery habang may dalang grocery bag. "Ang weird talaga ng lalaking iyon, well di ko naman ata siya makikita ulit so nevermind." bulong ni Devaki. Pagkatapos mabayaran ni Raphinia ang mga gamit ay kaagad siyang umalis at nagsalita habang papalapit kay Devaki. "Alis na tayo, nandito na lahat diba?" nagmamadaling tanong ni Raphinia. "Opo, at bakit parang nagmamadali kayo? May problema ba?" takang tanong ni Devaki. "Ah wala naman, tayo na." sabi ni Raphinia. Aalis na sana sila nang biglang may tumawag kay Raphinia. "RAPHINIA!!!!" sigaw ng lalaki. Dahil dito ay nagmadaling naglakad si Raphinia ngunit hinabol siya ng lalaki. " Sandali lang." sabi ng lalaki. Habang naglalakad ay nagtatanong si Devaki. "Tita, sino po yung lalaking iyon at bakit nagmamadali po tayo?" takang tanong ni Devaki. "Wala lang, di ko rin siya kilala." sagot ni Raphinia. Kahit anong bilis ng lakad ni Raphinia ay naabutan pa din siya ng lalaki at nahawakan ang kamay niya. "Nakakapagod kang habulin, di mo ba ako naalala?" hingal na sabi ng lalaki. "Sino ba kasing nagsabi na habulin mo ako at hindi ko na tanda kaya sorry." sabi ni Raphinia. Dahil sa usapan na iyon ay biglang naintindihan ni Devaki ang sitwasyon kaya nagpakilala siya sa lalaki. "Ako po si Devaki, pamangkin po ni tita Raphy." pakilala ni Devaki. "Ah so anak ka ni kuya Secredus at ate Sam, dati palang alam ko na sila na ang magkakatuluyan at nakita ko pa ang anak kila, btw I am Timothy. Former classmate ng late husband ng tita mo at schoolmate niya nice to meet you. Ilang taon din ang lumipas Raphinia at nagkita ulit tayo." sabi ni Timothy. "Well ayoko nang maulit pa." sabi ni Raphinia saka na silang nagmadaling umalis at naiwan si Timothy. "Ang ganda mo pa rin Raphinia." bulong ni Timothy.