Ilang oras pagkatapos ng pamamaalam ni Devaki sa tatay niya para umalis ay nasa ibang bansa na siya. Pagkababa niya mula sa eroplano ay nakita na niya kaagad ang kanyang tita na nagtatrabaho sa lugar na iyon na naghihintay sa kanya. Pagpunta ni Devaki sa tita niya ay nagsalita agad siya. "Kanina pa po ba kayo naghihintay?" tanong ni Devaki. "Hindi naman, actually kakarating ko palang, ano? May gagawin ka pa, uwi na tayo?" maligayang sabi ng tita ni Devaki sa kanya. Pagkatapos magsalita ng tita ni Devaki ay sumang-ayon na si Devaki at umalis na. Habang nasa biyahe gamit ang sariling sasakyan ng tita niya ay nagsimula magsalita si Devaki. "Mahirap po ba mamuhay dito?" alalang tanong ni Devaki. "Sa simula, oo pero kapag nakasanayan mo na, magiging maayos na. Sadyang sanayan lang talaga." mahinahon na paliwanag ng tita ni Devaki. Nagpatuloy pa ang usapan nilang magtita hanggang sa makarating na sila sa bahay. Pagkababa ni Devaki ay namangha siya sa itsura ng bahay ng tita niya sa ibang bahay. Habang nakatayo siya ay tinawag na siya ng tita niya habang tumatawa. "Hoy, halika ka na, pumasok ka na HAHAHAHAHAAH, ngayon kalang ba nakakita ng ganitong bahay?" tawang tanong ng tita ni Devaki. "Hindi naman po pero nakakamangha lang po HEHEHEHEHEHEHE." hiyang sagot ni Devaki. Pagpasok niya sa bahay ay nakita niya ang isang cute na batang babae na nasa harapan niya. Pagkakita niya ay bigla siyang umupo at kinausap mo naman. "Hala, ang cute mo naman baby." sabi ni Devaki habang hawak ng pisngi ng bata. "Syempre po, mana po kay mama at sa inyo po na pinsan ko." sabi ng bata. Pagkatapos magsalita ng bata ay nagulat siya at tumingin sa tita niya at nagtanong. "Anak mo po, tita?" tanong ni Devaki. "Oo, kapag wala ako dito sa bahay, may babysitter naman ako na naglalagay sa kanya. Wag kang mag-alala, mabuti naman siya." sabi ng tita ni Devaki."Nasaan po si tito?" tanong ni Devaki. "Namatay siya sa aksidente nang ilang buwan palang si Analy. Alam ko naman na hindi mo alam dahil bata ka pa nun pero alam ng mga magulang mo yun." sagot ng tita ni Devaki. "Ano po name ni baby at ilang taon na siya?" tuwang tanong ni Devaki. "Name niya is Eukraya Analytica, nickname niya is Analy Tapos 3 years old palang siya." sabi ng tita ni Devaki. "Ang hirap naman tita HAHAHAHAHAHAHAHA, naawa ako sa kanya pag magsusulat na siya HAHAHAHAHAHAHA." sabi ni Devaki habang tumatawa kasabay ng tita niya. "Sorry na in advance Analy, nanalo si tito mo sa rock paper scissor eh HAHAHAHAHAHAHAHAHA." tawang sabi ng tita ni Devaki. "You mean ba po si papa?" tanong ni Devaki. "Oo, kasi yung nanganak ako dapat ang pangalan ni Analy ay Veronica Stacy, kaso ang papa mo si Kuya, sabi maganda na daw yung unique, di ko nga alam kung saan niya nakuha ang Eukraya Analytica, so ayun na nga, naglaro na kami, eh siya ang nanalo so no choice ako. Ikaw nga dapat hindi Devaki name mo, dapat Princess Kate kasi yun yung gusto ng mama mo kaso ang papamo sabi mas maganda ang Devaki Topaz na di rin alam ng mama mo kung saan galing tapos naglaro rin ang mga magulang mo ng larong iyon at ang papa mo na naman ang nanalo, so ang pangalan niyo ni Analy ay galing sa papa mo, palibhasa pangalan niya ay Secredus Demapherio at ako ay Raphinia Abacus kaya nandamay pa HAHAHAHAHAHAHAHAHA." tawang sabi ng tita ni Devaki na si Raphinia. "Pasensya na Analy, ang papa ko ang may kasalanan ng mga names natin." sabi ni Devaki. Pagkatapos ng usapan nila ay kinarga ni Devaki si Analy ay dumating ang babysitter ni Analy. "Ayy, Cynthia, may ipapakilala ng pala ako sayo. Siya si Devaki, pamangkin ko." pakilala ni Raphinia. "Hello, ako si Cynthia, nice to meet you." mahinahong sabi ni Cynthia. "Sayo din po ate Cynthia." mahinahong sabi ni Devaki. "Malapit na ang klase dito kaya bukas, bibili tayo ng gamit ha." masayang sabi ni Raphinia. "Sige po tita." masayang sagot ni Devaki. Sa oras na iyon, saya ang nararamdaman ni Devaki.