Episode 15 (Mga Masasayang Alaala)

645 Words
Kinaumagahan ng araw na iyon ay kinausap ni Devaki si Carciara sa parke na malapit sa kanila. Ito ay  tungkol sa plano nito na mag-aral sa ibang bansa. Pagkarinig ni Carciara ng kwento ay nalungkot ito. "So? Ilang taon din tayong hindi magkikita, mamimiss kita." sabi ni Carciara. "Ano ka ba, syempre babalik ako dito kada baksyon at kapag pasko at bagong taon kaya magkikita pa rin tayo at saka may kasintahan ka na, hindi ka na mag-isa."sabi ni Devaki. "Hindi ba ito dahil kay Ricky? Pwede mo naman siya na hindi makita eh, malayo naman ang school na pupuntahan niyo kaya hindi kayo magkikita." sabi ni Carciara. "Well, oo isa siya sa dahilan pero mas dahilan ko ay ang magkaroon ng ibang experience like paano mag-aral sa ibang bansa ganun at saka opportunity na ito, papakawalan ko pa HAHAHAHAHAAHAHAHA." tuwang sabi ni Devaki. "So, gala ulit tayo ngayon." sabi ni Carciara. "Ha, eh diba may lakad kayo ng kasintahan mo? Baka magtampo yun." sabi ni Devaki. "Hayaan mo yun, at saka magkikita pa kami sa mga susunod na araw pero tayo, ilang araw na lang saka ko nalang ipapaliwanag sa kanya kaya go." sabi ni Carciara. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay naglakad na sila Carciara at Devaki sa buong parke. Pagkatpos nila na maglakad ay kumain naman sila sa mga malapit na kainan sa paligid ng parke at pagkatapos ay naglaro. Nais nilang dalawa na magkaroon ng magandang alaala bago sila maghiwalay kaya ginawa na nila ang lahat nang alam nila na masayang alalala. Silang dalawa ay inabot na ng hapon sa paglalalro at paggagala pagkatapos nang lahat ng ginawa nila ay umupo sila sa damuhan habang pinapanood na lumubog ang araw. Habang nakaupo ay nagsalita si Carciara. "Sana, sa pagpunta mo sa ibang bansa, huwag mo akong kalimutan ha. Mag-usap pa rin tayo kahit malayo na tayo sa isa't-isa."malungkot na sabi ni Carciara. "Oo naman at saka ako din ha, huwag mo akong kalimutan. Mag-uusap talaga tayo HAHAHAHAHAHAHAHAHA." sabi ni Devaki. Pagkatapos nilang mag-uap ay pareho silang nagtawanan habang pinapanood na lumubog ang araw. Pagkatapos nilang panoorin ang paglubog ng araw ay pareho na silang umuwi. Ilang araw ang lumipas at aalis na si Devaki papunta sa ibang bansa. Pupuntahan dapat siya ni Carciara para magpaalam sa huling pagkakataon kaso may laro si Lance ng araw na iyon kaya hindi na siya pinapunta ni Devaki ay dahil mas mahalaga ang suporta ni Carciara bilang kasintahan sa laro ni Lance. Habang papunta sa sasakyan ay todo ang iyak ng nanay ni Devaki habang nagsasalita."Huwag kang magpapabaya doon ha, ingat ka lagi, huwag kang papagabi sa daanan at lagi kang tumawag ha, lagi kang sasagutin ni nanay pag tatawag ka." sabi ng nanay ni Devaki habang umiiyak. "Syempre nay ako pa, si Devaki ata ito, matibay gaya ng Topaz HAHAHAHAHAHAHA." masayang sabi ni Devaki. "At saka nay, kaya ko ang sarili ko at alam ko naman na lagi kayong nandyan HEHEHEHE kaya kakayanin ko toh, KAYA YAN !!!!!" buong tapang na sabi ni Devaki. Pagkatapos mag-usap ni Devaki at ng nanay niya ay sumakay na ito sa sasakyan na imamaneho ng tatay niya at maayos na siyang nakaalis sa bahay. Pagdating niya sa paliparan ay kinausap na siya ng tatay niya. "Anak, ingat ka dun ha, huwag mong pababayaan ang sarili mo, lagi mong tingnan ang daaanan."sabi ng tatay niya. "Opo, mag-iingat po ako at saka mag-ingat din po kayo dito." sabi ni Devaki. "Huwag mo na kaming isispin dito, isipin mo ang sarili mo dahil wala kami doon para alalayan ka. Sige na, baka mahuli ka pa sa biyahe mo. Susunduuin ka ng titia mo doon ha. Ingat ka , anak."sabi ng tatay ni Devaki. Pagkatapos magsalita ng tatay ni Devaki ay kumaway na si Devaki sa tatay niya saka umalis. Dito na magsisimula ang buhay niya sa ibang bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD