Ilang linggo pagkatapos ng bakasyon ay nakakamove-on na rin ng konti si Devaki sa nangyari sa kanya na kagaggawan ni Ricky. Wala na din siyang balita tungkol sa kanila ni Irene at wala na rin siyang pakialam. Nakakaluwag-luwag na rin ang pakiramdam niya at bumabalik na ulit ang dating saya niya. Sa kabilang banda, wala namang problema sa pagitan ni Carciara at Lance, lalo pa silang tumitibay dahil meron silang tiwala sa bawat isa. Araw ng Sabado, kakatapos lang maligo ni Devaki nang pumunta sa bahay niya si Carciara."Bakit ka nandito? Diba dapat magkasama kayo ni Lance? takang tanong ni Devaki. "Lagi na kaming magkasama kaya mas mabuti na may iba kaming puntahan na magkahiwalay." sagot ni Carciara. "Sige, mag-aayos na ako." sabi ni Devaki. Pagkabihis ni Devaki ay diretso na sila ni Carciara na lumabas. Pagkalabas nila ay tinanong ni Devaki si Carciara habang naglalakad papuntang waiting shed. "Teka nga, saan ba tayo pupunta?" tanong ni Devaki. "Sa labas syempre, gagala tayo." sabi ni Carciara. Kahit nagtataka ay sumunod na lamang si Devaki sa nais puntahan ni Carciara. At paggagala nila ay nakapunta sila sa mall. Pagpunta nila sa mall ay tuwang-tuwa sila dahil ngayon lamang sila nakapaggala dalawa ulit simula nung naging si Carciara at si Lance. Habang naglalakad si Carciara at Devaki sa hallway ay masayang tumitingin si Carciara sa mga nasa gilid habanag si Devaki at nakatingin sa daanan nang aksidente niyang nakita si Ricky at Irene, mabuti at hindi siya nakita ng mga ito dahil ang dalawa ay nakatingin sa isa't-isa kaya nagmadali agad si Devaki na nagsabi kay Carciara na sa iba na dumaan. Kahit na nagtataka ay sumunod na si Carciara Nang napagod ay pumunta na si Devaki at Carciara sa food court at kumain. Habang kumakain ay nag-usap sila. "Alam mo, akala ko maayos ang Grade 12 natin pero sa akin lang pala maayos pero kahit ganon nakakalungkot pa rin." sabi ni Carciara. "Hayaan mo na, everything has a reason sabi nga nila." sabi ni Devaki.
Pagkatapos nilang mag-usap at nagdesisiyon na silang umuwi para makapagpahinga.Pagpunta ni Devaki sa bahay niya ay nakita niya ang kanyang magulang na kausap ang kanyang tita. Pagkakita na sa kanyang mga magulan at tita ay hindi na niya ito pinansin bilang respeto ngunit noong nakita siya ng nanay niya ay tinawag siya nito. "Anak, eksakto nandito ka na, may sasabihin sana kami sa iyo." sabi ng nanay niya. Pagkasabi ng nanay niya ay pumunta agad si Devaki. "Bakit po?" tanong ni Devaki. "Ganto kasi, may offer ang kumpanya na pinagtatrabuhan ng tita mo na free overseas study, kung sino daw mauna siya ang makakatanggap ng offer, hindi pa maari ang pinsan mo dahil mga bata pa sila at eksakto at nagyon ka palang pupunta sa kolehiyo. Ang tanong, papayag ka ba?" tanong ng nanay niya."Ang bansa ay New Zealand at maganda dun, at saka sagot ng kumpanya ko lahat ng gastos mo basta matapos mo lang ang course mo." sabi ng tita niya. "Sayang ang opportunity anak, minsan lang yan." sabi ng tatay niya. Dahil sa mga sinabi ng tita niya at mga magulang niya at para makapagsimula na ulit ng bago ay nakapagdesisyon na si Devaki. "PUMAPAYAG NA PO AKO." sabi ni Devaki. Pagkasabi ni Devaki ay grabe ang tuwa ng tita niya at mga magulang niya. "Salamat naman, sususnod na linggo, babalik ako dito kuya para ibigay ang mga kinakailangang papeles." sabi ng tita niya."Sige, salamat din." sabi ng tatay niya. Pagkaalis ng tita niya ay kinausap siya ng nanay ng mga magulang niya."Anak, sigurado ka ba talaga? Kung napipilitan ka lang sasabohin namin kaagad." sabi ng nanay niya."Hindi po nay, napag-isip ko rin na maganda din na mag-aral overseas at para makapagsimula din ako ng bago." sabi ni Devaki. Pagkatapos ng usapan nila ay niyakap si Devaki ng nanay at tatay niya.