Episode 13 (Ang Bagong Simula)

970 Words
Natapos ang oras ng breaktime at sabay na naglalakad papunta sa klase sila Devaki at Carciara nang makasalubong nila si Lance at parang pagod na pagod kaya nagtanong agad si Carciara."Oh, anyare sa iyo? Bakiit parang pagod na pagod ka?" tanong ni Carciara."Ah, wala lang, anlayo kasi ng tinakbo ko kaya pagod na pagod ako." paliwanang ni Lance."Kamusta ang pag-uusap niyo ng magaling mong pinsan?" tanong ni Carciara."Muntik ko na ngang masuntok dahil ang angas pa kanina eh, sabi ba naman, buti at nilinis pa ang pangalan ni Devaki sa maraming tao kaya utang na loob pa daw ni Devaki sa kanya yun ngunit hindi na niya kinuha pa." inis na sagot ni Lance. "Hayaan niyo na siya, hindi ko na sasayangin ang oras ko sa kanya, hindi naman siya ganon kahalaga para pag-aksayahan ng panahon ko at saka malapit na akong magtapos kaya yun nalang iisipin ko kaya tayo na, punta na tayo sa mga classroom natin wag na kayong maglambingan diyan irespeto niyo naman ang single dito baka naman." sabi ni Devaki. Pagkatapos magsalita ni Devaki ay sabay-sabay silang nagtawanan at sabay-sabay na din na naglakad papunta sa klase. Ilang linggo ang lumipas at magtatapos na sila Devaki at Carciara sa strand na kinuha nila sa Senior High School. Nang araw ng pagtatapos ay maagang nagising si Devaki at maaga na nag-ayos dahil ito na ang hinihintay nila ng kaibigan niya. Maaga din siyang pumunta sa paaralan kasama ang magulang niya kaya matagal-tagal silang maghihintay para magsimula ang seremonya ngunit hindi na nila ito iniisip. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakita na ni Devaki si Carciara kasama ang mga magulang nito. Pag-upo ng mga magulang ni Carciara sa nais nilang upuan ay pumunta siya sa kinauupuan ni Devaki at nag-anyaya na mag-usap sa malapit sa cr at hindi pa naman nagsisismula at pumayag naman si Devaki at pumunta sila na magkaibigan sa malayo na lugar ngunit nasa school pa rin at nag-usap. "Baka dumating si Lance at hanapin ka." sabi ni Devaki. "Ayos lang yun, isa lang naman ang alam niyang dahilan pag wala ako eh, kasama kita hehe." sabi ni Carciara. "Oh, anong sasabihin mo?"tanong ni Devaki. "Wala lang, tatanungin ko lang kung ayos ka lang ba, makikita mo si Ricky ngayon sa seremonya." pag-aalala ni Carciara. "Ilang linggo na rin yun at ayos naman na, hindi ko siya priority. Ang priority ko ay ang pagtatapos ng aking pag-aaral sa Senior High School."sagot ni Devaki. "Sige, basta kahit anong mangyari ay huwag mo nalang siyang kausapin dahil hindi naman kayo magkasunod sa pila." sabi ni Carciara. Aalis na sana sila Carciara at Devaki sa kinatatayuan nila ng makita ni Devaki ang dalawang babae na nag-usap sa cr nung Foundation Day at pasalubong sa kanya. Hindi na dapat ito papansinin ni Devaki ngunit nagsalita ang isang babae. "Alam mo naman na siguro ang lahat, FAKE?" sabi ng babae. Pagkasabi ng babae ay huminto si Devaki at nagsalita habang nakatalikod sa babae. "Well, first of all hindi ako FAKE, isa akong VICTIM ng kasintahan mo sa laro niya at first of all, alam mo din ang ginagawa ng kasintahan mo yet pinayagan mo, " Pagkatapos magsalita ni Devaki ay lumingon siya at saka nagsalita ulit. "Well, with all due respect, I will go now, enjoy your day." sabi ni Devaki. "Sa bagay, pag KABIT, wala nang karapatan pang magsalita dahil KABIT KA LANG. By the way, I'm Irene, the REAL GIRLFRIEND of Ricky." pagmamayabang ni Irene. "I don't need to know your name or whoever you are and believe what you want to believe just I know in myself that I don't harm huiman beings especially ANIMALS. So don't worry girl, your man is YOURS, I hope you will have a better future ahead of you, best wishes." sabi ni Devaki. Magsasalita sana si Carciara ngunit pinigilan siya ni Devaki at nag-anyaya na umalis. Pag-alis ni Devaki at Carciara ay nagsalita si Carciara. "Dapat hinyaan mo ako magsalita dun, bara yung babae na yun." gigil na sabi ni Carciara. "Hindi na kailangan, ang mga taong katulad nila ay hindi dapat pag-aksayahan ng lakas. Hindi ka rin nila papakinggan." sabi ni Devaki. Pagpunta ni Carciara at Devaki sa social hall ay nakita nila si Lance na alalang-alala. "Cars, saan ka ba galing? Saan kayo galing?" alalang tanong ni Lance. "Wala, nag-usap lang kami." sagot ni Devaki. Magsasalita sana si Carciara tungkol sa nangyaring sagutan ni Devaki at Irene ngunit pinigilan siya ni Devaki at binulungan. "Huwag mo nang sabihin, baka lumala lang." bulong ni Devaki. Kaya hinayaan nalang ni Carciara. Nagsimula na ang sermonya at naging maayos ang daloy nito. Sa wakas ay tapos na si Devaki ng Senior High School. Pagkatapos ng seremonya ay inimbitahan ng mga magulang ni Devaki ang mga magulang nila Lance at Carciara sa kanilang tahanan at pumayag naman ang mga ito. Naging maayos ang buong araw nila, puro tawanan lang at asaran ang nanaig sa araw na iyon na ikinatuwa ni Devaki. Umuwi na sila Carciara at Lance kasama ang kanilang mga magulang at si Devaki ay pumunta na sa kwarto niya. Pagpunta niya sa kwarto niya ay nakita niya ang mga bituin sa nakasara niyang bintana kaya binuksan niya ulit ito. "Ang ganda naman, parang nawawala ang problema ko pag nakikita ko ang mga bituin. Sana, mawala na ang sakit na nararamdaman ko dahil kay Ricky pero sana maging masaya sila ni Irene ganun din sila Carciara at Lance, sana makapagtapos ako ng pag-aaral at sana makilala ko ang para sa akin sa tamang panahon." sabi ni Devaki. Inaantok na siya kaya sinara na niya ang bintana at himiga na, pagkatingin niya sa phone niya ay 11:12 pm na ibig sabihin kakatapos lang ng 11:11 pm. Pagkatingin ni Devaki sa oras ay ngumiti at binitawan ang phone at mahimbing na natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD