Episode 7 ( Ang magandang regalo)

793 Words
Ang mga nakaraang araw ay isang ordinaryong araw lang para kila Devaki at Carciara. Bukod sa mga assignments at mga task sa school ay wala naman nang naging problema sa kanila. Dahil sa pag-uusap ni Lance at Carciara nung nakaraan ay naging mas malapit sila minsan pa ay nakikita sila na magkasama kahit sa pag-uwi. Dahil dito ay naiiwan na mag-isa si Devaki sa paglalakad pauwi kaya kalimitan niyang nakakasabay si Ricky at dahil dito ay nagiging malapit na sila. Malapit na ang araw ng exam kaya ang lahat ay todo kayod sa pag-aaral para sa darating na exam. Dahil dito ay sinabi ni Carciara kay Lance na huwag munang magkita upang mabigyan nila ng atensyon ang pag-aaral. Kahit malungkot si Lance ay sumang-ayon siya sa sinabi ni Carciara dahil alam niya rin na para naman ito sa pag-aaral. Buong linggo na malungkot si Lance dahil dito, tinatanong siya ng pinsan niya na si Ricky ngunit hindi siya sumasagot hanggang sa sumapit na ang oras ng pagsusulit. Nang matapos nila ang pagsusulit ay sobrang tuwa ang nasa mukha ni Lance. Pagkalabas ng classroom nila Lance at Ricky ay agad-agad dumiresto si Lance patungo sa classroom nila Carciara at Devaki kaya sinamahan siya ni Ricky. Habang naglalakad papuntang doon ay kinausap ni Ricky si Lance."Mukhang tuwang-tuwa ka ngayon ha." sabi ni Ricky. "Syempre, makakausap ko na siya sinong hindi matutuwa kung makakausap mo na ang mahal mo." sabi ni Lance. Habang naglalakad sila ay nakita nila si Devaki at Carciara naglalakad palabas ng classroom ay pinuntahan na sila agad nila Ricky at Lance. Pagpunta nila sa kinaroonan nila Devaki at Carciara ay nakita nila ang malungkot na mukha ng dalawang babae kaya tinanong agad ni Lance si Carciara. "Bakit malungkot kayo?" tanong ni Lance." Wala naman, siguro natress lang kami dahil sa exam." sagot ni Carciara."AYYYY happy birthday Lance." dagdag ni Carciara. "Ay salamat at natandaan mo ang birthday ko." masayang sabi ni Lance. "Wow ha, birthday ng manliligaw mo tanda mo pero birthday ng kaibigan mo hindi mo tanda, kung hindi pa sabihin, hindi mo babatiin HAYYYYST." biglang sabi ni Devaki. Pagkatapos ng sinabi ni Devaki ay nagtawanan sila at nagsalita si Lance."Punta kayo mamaya sa bahay, siguro 6 ng gabi hanggang 8 lang naman." anyaya ni Lance sa kanila at sumang-ayon naman si Carciara. "Okay na rin para matanggal na ang stress namin." sabi ni Carciara. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay sabay-sabay na silang umuwi.  Pagpatak ng 5:30 ng hapon ay umalis na si Carciara sa bahay niya para makapunta sa bahay ni Lance ng tama sa oras. Sinundo na rin ni Carciara si Devaki upang makasabay na niyang makapunta sa bahay ni Lance. Nakapunta na sila Devaki at Carciara sa bahay ni Lance. Pagpunta nila ay inasikaso sila ni Lance, si Ricky ay nahuli ng kaunti pero ayos lang naman. Lumingon-lingon si Carciara sa paligid dahil wala siyang ibang makita na bisita bukod sa kanila ni Devaki. Ilang oras na rin at wala pa ring tao kaya tinanong na ni Carciara si Lance. "Uhm, bakit parang kami lang ni Devaki ang nandito bukod kay Ricky dahil pinsan mo pero aside sa amin ay wala, late ba kami or masyado lang maaga?" tanong ni Carciara. "Kayo lang inimbita ko, para konti lang, ayoko rin naman ng maraming tao." sagot ni Lance. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay nagpatuloy na sila sa mga ginagawa nila. Malapit na mag-8 ng gabi at malapit na rin na umuwi sila Devaki at Carciara. Habang nag-aayos si Lance ng gamit sa kusina ay pinuntahan siya ni Carciara. "Lance, pwede ba tayaong mag-usap?" tanong ni Carciara. Sumang-ayon naman si Lance at nag-usap sila na pumunta sa labas. Pagdating nila sa labas ay nagsalita na agad si Carciara. "Happy Birthday to You Lance, may regalo nga pala ako HEHEHEHEHEHE." sabi ni Carciara at agad na ibinigay ang regalo na dala. Pagkaabot ni Lance ng regalo ay hindi nito maitago ang ngiti sa pisngi at nagsalita na si  Lance. "Salamat HEHEHEHEHEHEH, pero alam mo ba, isa ito sa mga umforgettable birthday ko dahil nakakasama na kita kahit hindi pa tayo officially ." masayang sabi ni Lance. "Uhm tungkol pala dun, sa tingin ko bakit hindi natin subukan?" sabi ni Carciara. Ang kasalukuyan na ngiti ni Lance ay lalo pang nadagdagan dahil sa narinig niya. "Ta-talaga?" natutuwang tanong ni Lance. Pagkatanong ni Lance ay tumango si Carciara. Hindi maitago ni Lance ang saya ng makita niya ang pagsang-ayon ni Carciara, nais niyang sumigaw sa tuwa pero hindi niya masigaw dahil gabi na. Pagkatapos nang usapan nila ay umalis na sila Devaki,  Carciara at Ricky. Kahit umalis na sila ay hindi na mawala ang nagiti sa mukha ni Lance dahil naging sila na ng mahala niya. Ito ang pinakamagandang regalo na natanggap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD