Ilang araw ang lumipas at gumaling na si Lance sa sakit niya ngunit hindi katulad dati ay mas naging malapit si Lance at Carciara na siyang kinatuwa ni Lance. Maagang pumasok si Devaki sa school at hindi niya alam kung bakit, habang naglalakad si Devaki sa hallway ng school ay lumingon siya sa gilid-gilid at tiningnan kung makakasabay niya si Carciara pagpasok sa room o di kaya nasa room na siya kaya dumiretso na siya sa paglalakad. Habang malapit na sa classroom ay lumingon ulit si Devaki, ngunit nung pagalingon niya ay nakita si Lance at Carciara na magkasama na nakangiti. Dahil dito, napangiti si Devaki at dumiresto na sa pagpasok sa classroom na bukas naman na. Pagpasok ni Carciara sa classroom ay nakita niya ang nakangiting si Devaki kaya nagdadalawang isip si Carciara na pumunta dahil alam niyang may itatanong sa kanya si Devaki ngunit wala na siyang magagawa kaya pumunta nalang siya kahit alam niya na tatanungin siya. Pagkaupo niya palang ay bigla na agad siya ni Devaki. "Bakit parang close na agad kayo ni Lance? Anong ganap?" biglaang tanong ni Devaki. "Wala naman, friends lang kami." sagto ni Carciara. "Friends with benefit ganern?" asar na tanong ni Devaki. "Friends lang tlaga nukaba." inis na sagot ni Carciara. Pagkatapos nun ay hindi na ulit nagtanong si Devaki.
Natapos na ang buong araw sa klase. Uuwi na sila Carciara at si Devaki ngunit sinabi ni Carciara kay Devaki na ihahatid siya ni Lance kaya di na niya pinilit si Carciara at naglakad nalang pauwi mag-isa.Habang naglalakad ay nakasabay ni Devaki si Ricky. Iiwas sana siya kaso nakita siya ni Ricky kaya wala na siyang nagawa kung hindi makisabay sa paglalakad kay Ricky. Habang naglalakad ay walang nagsasalita sa kanila kaya si Ricky na ang naunang magsalita. "Galit ka pa ba dahil parang inaasar kita nung nakaraan." panimulang sabi ni Ricky. "Okay na yun, at saka matagala na yun HAHAHAHAH."sabi ni Devaki. "Pwede bang maging friends tayo?" dagdag na tanong ni Ricky. "Sure HEHEHEHEHEHE at saka parang may something na ang kaibigan ko at ang pinsan mo." sabi ni Devaki. "Pero sa tingin ko sa pinsan ko, nililigawan pa lang niya ang kaibigan mo." sabi ni Ricky. "Pero sana maging masaya sila, kasi nakita ko kung paano hinintay ni Lance si Carciara all these years." sabi ni Devaki. "Same, kasi ako, since Grade 9, si Carciara ang naririnig ko lagi sa pinsan ko. Lagi niyang sinasabi na may gusto siyang babae, yung panahon na yun ay pareho kaming Grade 9 kaya akala ko nagbibiro lng siya pero di ko alam na seryoso pala siya kaya support nalang ako sa kanila at sana maging masaya sila." sabi ni Ricky. Simula noon ay naging magkaibigan sila Ricky at Devaki.