Episode 4 ( Ang inspirasyon )

691 Words
Kinaumagahan, kinakabahan si Devaki na pumasok sa paaralan dahil alam niyang makikita na naman niya si Ricky. Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling masabi ni Ricky ang pangyayari sa cr kahapon kaya habang nag-aayos siya papuntang paaralan ay nag-iisip siya ng magandang dahilan para matakpan ang kamalian niya. Pagkaalis ni Devaki sa bahay niya ay mabagal siyang naglalakad upang hindi niya makita si Ricky at para diretso lang siya na makapasok ng paaralan at hindi na makausap pa si Ricky. Nang papalapit na sa gate ng school si Devaki ay natutuwa na siya dahil hindi niya nakita kahit anino ni Ricky kaya kampante siyang pumasok at nang pagkatingin niya sa dala niyang phone ay tama lang ang oras bago mag-ring ang bell. Nang nakapsok na siya sa gate ng school ay biglang tumambad sa kanya ang nakakalokong mukha ni Ricky, ang masayang mukha ni Devaki ay napalitan ng inis.. "Mukhang maganda ang gising mo ha, sigurado na bang hindi ka na mamamali ng pasok sa cr niya?" nakakalokong sabi ni Ricky. "Alam mo kung wala kang magandang sasabihin, mas mabuti na manahimik ka nalang, umagang-umaga sisirain mo araw ko at saka bakit hindi mo kasama ang pinsan mo na si Lance?" inis na sabi at tanong ni Devaki."Alam mo naman ang pinsan ko, puno ang oras sa panliligaw sa kaibigan mo, ang sipag nga eh, ilang taon na siyang nanliligaw hindi pa rin sumusuko." sabi ni Ricky. "Atleast siya consistent, hindi katulad ng isa diyan na walang respeto sa babae at parang perpekto." sabi ni Devaki. "Bakit, sinabi ba ng isang yun na sasabihin niya yung nakita niya?" sabi ni Ricky. Magsasalita pa sana si Devaki kaso nag-ring na ang bell sa school na ibig sabihin ay magsisimula na ang klase. Habang naglalakad ay lumingon siya kay Ricky at nagbigay ng masamang tingin, ngunit ngumisi lang si Ricky. Pagpasok ni Devaki sa classroom ay nakita niya si Carciara na malungkot kaya kinausap niya. "Oh, bakit ka malungkot  dyan?" tanong ni Devaki kay Carciara. "Wala lang, may taong nangako lang naman tapos hindi tinupad." sabi ni Carciara. "Hulaan ko,si Lance noh?" asar na tanong ni Devaki."Hindi kaya at tsaka bakit ako malulungkot eh hindi niya lang naman ako hinatid." sabi ni Carciara. "Ha? hindi ka niya hinatid? Eh sabi ni Ricky hinatid ka daw ng pinsan niya." nagtatakang tanong ni Devaki. Buong araw na hindi nakita ni Carciara si Lance kaya parang may lungkot sa mukha ni Carciara. Habang naglalakad papalabas ng gate ng school sila Devaki at Carciara ay bigla silang sinalubong ni Ricky at biglang nagsalita. "Samahan niyo ako, puntahan natin si Lance, may sakit siya." mabilis na sabi ni Ricky. Walang atubiling pumunta sila Devaki at Carciara sa bahay. nila Lance. Nagmadali silang tatlo na pumunta sa bahay ni Lance. Pagkarating nila sa bahay ay agad na kumatok si Ricky sa pintuan ng bahay at agad naman na ito ay pinagbuksan. Wala ang mga magulang ni Lance sa bahay kaya pinayagan silang puntahan si Lance sa kwarto. Kinausap nila si Lance at hinayaan na mapag-isa pagtapos kausapin pero pinaiwan ni Lance si Carciara para kausapin. Ng sila nalang ang tao ay nagsalita na si Carciara." Kamusta na ang pakiramdam mo?" " Pagaling na, nandito ka na eh HEHEHEHEH." pabirong sabi ni Lance. "Pwede ba magseryoso ka naman kahit minsan, may sakit ka na nga, nagbibiro ka pa." asar na sabi ni Carciara. "Seryoso naman ako ah, seryoso nga ako sa iyo." sabi ni Lance. "Alam mo, ikaw ang naging inspirasyon ko na magpatuloy sa lahat." dagdag ni Lance."Ano toh, drama?HAHAHAHAHAHA." natatawang sabi ni Carciara. "Seryoso ako, ikaw ang naging inspirasyon na magsumikap, dahil ikaw ang nagpakita sa akin na hindi lahat ng bagay ay pinipilit dahil ang lahat ay may nakalaan sa bawat isa, pero pinipilit ko na mahalin mo ako, pero wala eh, gusto talaga kita." seryosong sabi ni Lance. "Alam mo, true love can wait, aral muna bago iyan, understood?." sabi ni Carciara."Yes boss, basta ikaw basta if you need a friend, nandito lang ako." sabi ni Lance. Pagkatapos nun ay umalis na sila Ricky, Devaki, at Carciara sa bahay nila Lance at naglakad na pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD