CHAPTER 1: The Beginning of War
PROLOGUE
Ang bayan ng Persia, ito ay isang mahirap na bayan. Ang namamahala dito ay ang emperador na may bilib sa sarili. Siya ay si Emperador Vilias, apatnapung taong gulang siya ay sakim at walang pakialam sa kaniyang nasasakupan.
Nababalitaan na niya ang isang batang emperador na taga Odisius, ngunit minamaliit lang ito ng sakim na emperador.
"Ako? Mapapabagsak ng emperador ng taga Odisius? baka siya pa ang mapatay ko!" Atsaka tumawa ang sakim na emperador ng Persia.
Bigla-bigla ay nag- anunsyo ang kaniyang heneral, at dali-dali itong pumasok sa silid ng emperador.
"Kamahalan, ang emperador ng Odisius sumasalakay sa ating emperyo. Maraming ang hindi handa," sambit ng Heneral habang ito ay humihingal sa harap ng emperador.
"Ilang ang kaniyang hukbo?" tanong ng emperador sa kaniyang heneral.
"Isang milyon po," sagot sa kaniya ng heneral.
Napaupo ang matandang emperador at nang makaharap niya ay sadyang nakita niya na bata pa nga ang emperador ng Odisius.
"Ikaw ang pumatay sa aking na prinsepe na si Luhan!" Galit na saad ng matandang emperador sa batang emperador.
"Nasisiyahan ka ba sa ating pagkikitang muli? Ngayon, ikaw naman ang mapapaslang at makakasama mo na rin ang hangal mong anak," tumawa nang malakas ang batang emperador kasabay nito ang pagbunot ng kaniyang patalim.
Kinitil ng batang emperador ang emperador ng Persia ng walang halong pag-aalinlangan.
Chapter 1: Beginning of War
Amethyst's POV
Ako si Amethyst, dalawampu't taong gulang mayroong akong kapatid na si Alexia siya ay labing-anim na taong gulang na. Kami ay bahagi ng isang bayan kung saan mahirap ang mga naninirahan dito.
Dalawa nalang kami ng aking kapatid sapagkat ang aming magulang ay namayapa na sapagkat namatay sila sa digmaan kaya't tumakas kami ni Alexia sa aming sariling bayan.
Mayroong isang batang emperador ang nais sakupin ang bawat bayan. Mapanganib at walang kasing bagsik at walang kasing-sama na kinatatakutan ng lahat halos kasing edad ko lang si emperador Schniziel.
Si Emperador Schniziel ay isa siyang emperador ng Odisius. Siya ay dalawampu't tatlong taong gulang pa lamang. Maagang namatay ang kaniyang ama na si Emperdor Gabrielle, at siya ang humalili sa kaniyang pamumuno rito.
May dalawa siyang kapatid na sina emperatris Karinne at emperatris Marianne sila ang nakakatanda niyang mga kapatid na emperatris.
Habang ako ay nagtatrabaho bilang tagapagsilbi sa isang mayamang pamilya kasama ang aking kapatid.
Maraming nagkakagusto sa aking kalalakihan kung isang Duke man ito ay gusto akong ligawan sapagkat ako raw ang pinakamagandang mukha sa kanilang bayan.
Isang araw ay inaatake pala ng emperador ang aming bayan. Walang habas ang pagpatay niya sa mga tao at mga mamamayan ng Persia at halos hindi ko alam kung saan ako pupunta kasama ng aking kapatid.
Humihingi ako ng tulong ngunit walang gustong tumulong sapagkat nanganganib lahat dahil sa digmaan. Lahat ay nagtatago sa kanilang mga kaniya-kaniyang tahanan.
Bawat habas ng palaso at espada ng tauhan ng emperador ay nakakatakot. Walang nakakatakas bata man ito o mga matanda. Iniisip ko nga at ng aking kapatid ay huli na ang lahat baka ito na ang huli naming buhay.
Inipon kaming lahat at ang mga kalalakihan ay hinuli ngunit hindi sila pinatay sa kadahilanang magsisilbi raw sila sa batang emperador.
Kaming kababaihan ay hinuli rin at pinatay ang mga matatandang wala nang pakinabang. Takot na takot ako noon at halos yakapin ko nang mahigpit ang aking kapatid na si Alexia. Pinatay na niya ang emperador ng Persia at napasa-kaniya na ang emperyu ng bayang ito.
Tinitigan ko ang mukha ng batang emperador, ang kaniyang mukha ay napakaamo at sino ba naman ang hindi magkakagusto sa emperador na ito. Lahat ay nakatingin sa kaniya at may halong pagkatakot.
Hindi ko akalain isa lang siyang batang emperador na kaya niyang pamunuan at sakupin ang bawat emperyo.
Ngunit sa kabila ng mala- anghel niyang katangian at pagmumukha ay nagtatago ang kalupitan at karahasan sa kaniyang mga palad.
Kahit ang mga nagmamakaawa sa kaniya ay walang magawa upang isalba ang kanilang sariling mga buhay. Sadya niyang pinapakitil ang kanilang buhay upang mawala ang sagabal sa kaniyang katauhan at dinaraanan.
Nang makita ako ng batang emperador na nahuli niya akong nakatingin sa kaniya, pumikit ako. Akala ko iyon na ang magiging katapusan naming magkapatid.
Tumingin ako sa aking kanang direksyon nakita ko kung paano nila pinatay ang isang matanda. Laging nakatingin sa aking direksyon ang emperador ng Odisius.
Napakaganda ng kaniyang mukha, isang matapang na emperador ang aking nakikita subalit hindi mo mahahalata at mapapansin na isa pala siyang mamaslang tao.
Ang lugar na aking nakikita ay magulo, mga nasirang kabahayan at pagdanak ng mga dugo sa kapaligiran. Mga iyak ng mga bata at matatanda dahil ang kanilang mga pamilya ay pinatay ng digmaan.
Ang pag- agos ng dugo mula sa lupa, ay aking natunghayan. Kinuha ng emperador ang kaniyang tabak at lahat ay natakot nang simulan niyang gilitan ng leeg ang isang matandang walang laban. Nasabi ko sa aking sarili na wala siyang awang emperador ng Odisius.
Kinuha ng isang hukbong sandatahan ang aking kapatid na si Alexia sinabunutan ang kaniyang buhok at tinutukan ng patalim ang aking kapatid, sapagkat iyon ang utos ng emperador. Patuloy sa pagsigaw ang aking kapatid ito ay umiiyak at nagmamakaawa.
"H-Huwag po maawa na po kayo sa akin, a-ate tulungan mo ako!" sigaw ng aking nakakabatang kapatid.
Nanginginig ang aking tuhod ngunit tumakbo ako at niyakap ko ang aking kapatid na si Alexia. Hinarap ko ang emperador at nagmakaawa na huwag patayin ang aking kapatid.
Tinitigan ako ng masama ng emperador ng Odisius. Inilapit niya ang mukha niya sa akin, lalong gumanda ang mukha ng emperador sa aking paningin sa malapitan.
Ang itim niyang buhok, ang makinis at maputing balat, mala-lila niyang mga mata at ang lahat ng isang perpektong mukha mula sa lalaki ay nasa kaniya ng lahat.
Ngunit ang pagiging malupit at marahas niya ay hindi tama. Ang dugo sa kaniyang mukha at kumalat na dugo sa kaniyang kasuotan ay sadyang ako'y natakot.
Umiiyak ako at kayakap ang aking kapatid nakiusap ako sa emperador na ako nalang ang kaniyang patayin at paslangin.
"Mahal na emperador ng Odisius, ako nalang po ang iyong kunin at paslangin huwag lang po ang aking mahal na kapatid," pagmamakaawa ko sa kaniyang harapan.
Hinila ako ng emperador mula sa pagkakayakap sa aking kapatid at hinawakan niya ang aking mukha mula sa kaniyang palad at pinisil niya ang aking pisngi.
Tinitigan niya ako ng mata sa mata at hinalikan niya ako sa mga labi. Marahas na halik, kaharap ng ibang alipin na gaya ko sa bayan ng Persia. Sila ay napapikit sa ginagawa sa akin ng malupit na emperador.
Hinimas niya ang aking dibdib, nagulat ako dahil ito'y sadyang napakabastos sa akin ito bilang isang kababaihan. Nagpupumiglas ako sa emperador at nagulat ang lahat nang aking siyang sampalin, dahil sa paghalik niya sa akin at paghawak niya sa aking dibdib.
"Isang alipin ang sumampal sa akin. Hindi ba't dapat kang magbunyi dahil ika'y aking hinawakan sinisira mo ba ang aking perpektong mukha. Huh? Alipin?" tumawa ito nang malakas.
Hinawakan ng emperador ang aking buhok at isinusubsob ang aking mukha sa lupa.
"Gusto ko sanang sugatan ang iyong mukha, ngunit sadyang napakaganda mo bilang babaeng alipin. Hindi kita papatayin at ang iyong mahal na kapatid kung ikaw ay susunod sa aking mga utos," galit na saad ng emperador sa akin.
Sinabunutan ng emperador ang aking buhok at hiniharap niya ang aking mukha sa kaniyang mukha at dinilaan niya ang aking mga labi. Hinalikan niya ulit ako nang marahas at ang kaniyang dila ay ipinasok niya sa aking bibig.
"Tama na po kamahalan, huwag po ang ate ko!" Sigaw ng aking kapatid.
Tumigil siya sa paghalik sa aking labi at tumingin ito kay Alexia nang napakatalim. Umiiyak ako sa sobrang takot sa batang emperador bigla na siyang tumayo at inutusan niya sa kaniyang mga hukbo.
"Dalhin ang mga malalakas at may pakinabang at ang mga walang lakas ay dapat paslangin," utos nito sa kaniyang mga hukbo.
Pinapatay ng emperador ang walang lakas na matatanda at kami ay kinulong sa may hawla at dinala kami sa paglalakbay papunta sa bayan ng Odisius.
Habang papalayo ang karwahe na may dala-dala sa amin ang titig ng emperador Schniziel sa akin ay napakatalim at may halong napakasamang pagngiti, kasabay noon ang pagdila niya sa kaniyang daliri mula sa aking harapan.
Nagulat ako at biglang tumulo na lang ang aking luha sapagkat para sa akin ang ginawa niya sa akin ay isang kalapastanganan bilang isang babae. Ang emperador ng Odisius siya ang aking unang halik at unang hawak sa aking maselang bahagi ng aking pangangatawan.
Hinawakan ko ang aking labi at niyakap ako ng kapatid. Nakagat ko ang aking labi upang sanhi ng pagdugo nito, hindi ko ito matanggap. Ngunit ano ang aking magagawa siya na ang bagong nagmamay- ari sa amin.
Maaari niyang gawin ang nais niya sa amin kahit kapalit pa ng aming buhay. Masaklap ang aming kapalaran bilang isang mga alipin na nangangarap ng magandang buhay.
Ang alam namin ay mahirap makamit ito, sapagkat kahit saan kami dalhin ng kapalaran at lugar. Kami ay aliping walang kaligayahan sa kamay ng malupit na emperador.
Biglang lumakas ang ulan at nakikita ko sa aming paglalakbay, ang tila pag-iyak ng kalangitan. Natatakot ang aming mga kasamahan at maraming nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay. Umaagos mula sa lupa ang dugo ng kanilang pinatay.
Sa aming likuran habang nakasakay kami sa hawla na pinagkulungan sa amin at ang mga bihag na kalalakihan ay naglalakad sila at nakapila habang akay-akay sila ng mga hukbo ng malupit na emperador. Nakikita ko ang emperador sa aming likuran habang nakasakay ito sa kaniyang puting kabayo.
Ngumiti siya sa akin ng may halong pagnanasa, inalis ko ang pagkakatingin sa kaniya. Malapit na kami sa emperyo ng Odisius at naririnig ko na ang paghiyaw at paghihintay sa kaniya ang iba niyang hukbong sandatahan sa kaniyang napakalaking tarangkahan papasok ng bayan.
Nakita ko ang kaniyang sariling bayan, napakaganda nito at tila ba siya na yata ang pinamayamang emperyo na aking nakita. Malayung- malayo ang emperyong ito sa aming bayan, ang bayan ng Persia na nasakop nito.
Nang makita nila ang batang emperador lahat ay nagbigay galang. Napakatikas nito kung humarap sa kaniyang mga nasasakupan at kinatatakutan ito ng lahat.
"Magbigay galang sa ating mahal na emperador!" Sigaw ng isang heneral malapit sa tarangkahan ng palasyo.
Napakaraming kawal ang nakapalibot sa kaniyang napakagandang palasyo at lahat sila ay sinalubong ang papalapit na emperador.
Ang kaniyang kaharian ay napakalawak at napakaganda lalo na ang kaniyang hardin, tila nasa isa kang paraiso kung titingnan mo ito. Napakarami rin nitong tagapagsilbi at naglilinis sa bawat paligid ng kaniyang palasyo. Napakalinis ng paligid at napakapayapa, tila ba walang nagugutom o pinapahirapan dito.
Dinala kami sa bilangguan ng palasyo at lahat ng mga kawal at mga tagapagsilbi ay nakatingin sa aming direksyon. Hindi ko akalain na ang batang emperador na ito, napapalawak nito ang sarili nitong emperyo.
Bumaba na ito sa kaniyang kabayo at ang kaniyang mga kawal ay nagbigay- galang nang papasok na ito sa pinto ng palasyo kasabay nito ang pag-upo niya sa kaniyang napakakinis na trono.
Rinig na rinig namin ang kaniyang tinig na tila ba tinatakot ang lahat sa taglay nitong kalupitan. Natapos ang digmaan ngunit hindi ko nakitang nasugatan ang tanyag na emperador na ito sapagkat pinangangalagaan daw nito ang perpekto nitong itsura. Maliban dito, napakagaling nito kung makipaglaban.
"Kunin ninyo ang mga kalalakihan sa bilangguan at sanayin ninyo sila sa pakikipaglaban, at ang mga kababaihan ay dalhin sa kuwadra ng mga tagapagsilbi. Kung sino man ang tumanggi isa man sa kanila, paslangin ninyo sila," utos nito sa kaniyang mga kawal.
"Nasakop ko na ang bayan ng Persia napaghiganti ko na rin ang aking ama at ang aking tiyo na taga- Sevias. Napakalawak na ng aking lupain at ako na ang maituturing na pinamayaman sa lahat ng emperador," sambit nito habang tumatawa ito nang napakalakas.
Hindi ko maitatanggi na sa kabila ng kaniyang mala-anghel nitong mukha, nagtatago ang kalupitan nito sa kaniyang mga palad. Mayroong tumanggi sa amin, ngunit pinatay ito ng isang kawal. Lahat kami ay natakot at alam kong wala kaming magawa sapagkat batid kong kaming lahat ay natatakot sa hatol nitong kamatayan.