Enero 10, 1899 Sa aking talaarawan, Tulad ng nakasanayan ay maaga ulit akong gumising para maglako. Hindi isda ang inilako ko ngayon araw dahil maraming tao sa daungan, siguro ay may troll o lantsang dumating. Iyong maliliit na kulay itim na bungga ang inilako ko ngayon, 'Baligang' kung tawagin namin rito sa Pasacao pero 'Lapote' o 'Java plum' iyon kung tawagin ng mga Americano, ni hindi ko nga alam kung anong salita iyon o siguro ay ingles. Ni wala nga akong alam na kahit anong salita sa lingguwaheng iyan. Bumalik ako sa mga Americano para ilako iyon at tuwang-tuwa na naman sila. Ang kaso ay hinahanap nila si Isidro, inaakala talaga nilang nobyo ko ang kaibigan kong iyon. Ang laking salapi ang ibinigay nila sa akin kapalit ng mga bunga ng Baligang. Napausal pa ako ng labis-labis na p

