Enero 6, 1899 Sa aking talaarawan, Napakaraming nangyari ngayong araw, talaarawan. Iba't ibang klase rin ng pakiramdam ang naramdaman ko ngayon, karamihan doon ay estranghero sa akin. Hindi ko tuloy alam kung normal pa ba ako. Marunong na akong gumamit ng kuwit at ibang pang bantas, talaarawan. Nakakatuwa dahil noong binasa kong muli ang naisulat ko kahapon ay halos hindi na ako huminga. Ginagamit pala ang kuwit na bantas sa isang pangungusap para sa pahinga, o paghihiwalay ng mga magkakasunod na salita at lipon ng mga salita na magkakauri. Ginagamit din pala ang bantas na iyon sa hulihang bahagi ng bating pangwakas at panimula, ganoon din sa katapusan ng Oo at Hindi, bilang sa petsa at marami pang iba, Pati nga iyong lipon ng mga salitang panuring o pamuno ay ginagamitan din pala niyon

