Kabanata 24

1602 Words

Marso 21, 1899 Sa aking talaarawan, Hindi ako nakapaglako ngayon dahil sa kaibigan kong si Kristina.Hindi tulad ng nakaraan naming pagkikita, may munting saya na roon ngayon. Ito pa mismo ang pumunta sa akin. Napakaaga nitong pumarito sa bahay para lamang ako ay makausap. May magandang balita raw itong gusto niyang ipaalam sa akin. Malugod ko naman itong pinapasok sa bahay at pinaghandaan ng makakain. Panay ang paglibot ng tingin nito sa bahay at kung minsan pa ay namumuri. Anito ay napakalinis naman daw ng bahay, ikinangiti ko naman iyon. Nagkuwento muna ito ng kanyang mga reklamo patungo rito sa Sitio Caranan, maging sa aking bahay. Anito ay napakahirap daw hanapin ng aking tahanan dahil bukod sa malayo ay wala pang kalapit na bahay, kung mayroon man ay nasa malayong distansya pa ra

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD