Kabanata 25

1673 Words

Marso 25, 1876 Sa aking talaarawan, Magandang gabi muli sa iyo, kaibigan. Pinayagan na akong makapaglako ng aking mga magulang. Si inay ay nanatili sa bahay dahil pinilit namin ito ni itay na pansamantalang magpahinga muna gayong galing lamang sa sakit. Langka ang aking inilako ngayon, pinitas ko iyong bunga ng puno ng Langka sa bakuran, Hinog na kasi ang iba roon at ang iba naman ay papahinog pa lamang. Kinuha ko na dahil sayang naman kung hindi mapapakinabangan. Iniwan ko rin iyong ilang bunga sa bahay dahil sabi ni inay ay magluluto siya ng Ginataang Langka para sa hapunan. Sa daan ay may mangilan-ngilang bumili na ng Langka kaya nabawasan ang bigat ng aking dala. Nakita ko naman sa hindi kalayuan si Isidro na makakasalubong ko, kaya panay ang aking pagyuko at pag tawid sa kalsada

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD