Marso 29, 1876 Sa aking talaarawan , Magandang gabi, kuwaderno kong kaibigan. Unang-una ay gusto kong humingi ng paumanhin sa hindi ko pagsulat sa iyo noong nakaraang gabi. Pakiramdam ko kasi nahawa ako sa ngayon ay magaling ng sakit ni inay kaya naging masama ang aking pakiramdam. Lumipat ata sa akin iyong sakit, talaarawan. Wala sina inay at itay simula pa kahapon. Si inay ay pumunta sa Sitio Balogo upang maghanap ng magpapagawa ng banig habang si itay naman ay doon nakisaka sa mga malalaking haciendang naroon. Sa pagkakatanda ko ay bukas pa sila uuwi galing roon. Baka magtaka ka kung sinong nag-alaga sa akin habang may sakit ako. Kahapon ay pumunta rito si Kristina at nagulat ito ng makita ang aking kalagayan, pinahiga na lamang ako nito sa kwarto at ginawan ako ng mainit na sopas

