Marso 30, 1899 Sa aking talaarawan, Masyado akong kinabahan ngayong araw, talaarawan. Napakarami kasing nangyari ngayong araw. Maagang pumunta rito si Hereneyo, tulad kahapon ay naggising ako sa kamay nitong humahaplos sa aking buhok. Tulad din kahapon ay ito ang naghanda ng makakain namin sa agahan. Magana na naman akong kumain at tila buo na ang araw ko dahil doon. Tumulong ako sa pagliligpit ng pinagkainan kahit ayaw ni Hereneyo. Rason ko ay magaling na ako, at kaya ko ng gumawa ng gawaing bahay. Wala itong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga na lamang. Matapos naming magligpit ay pinaupo ko ito sa maliit na sala ng bahay. Papaupo na ako marinig ko ang boses ng aking mga magulang. Namilog ang aking mga mata at napatingin kay Hereneyo. Hindi ko malaman kong paano akong bubungad

