Kabanata 42

2641 Words

Enero 14, 1900 Sa aking talaarawan, Ako ay nagpapaumanhin sa iyo, kuwadernong kaibigan, sapagkat ako ay naglalahad na lamang tuwing labis na kalungkutan na ang aking nadarama. Naalala ko noon ay walang palya akong sumusulat sa iyo bawat araw, ngayon ay hindi na ganoon, nagbabago ang lahat. Magana at masaya pa ako noong mga panahong iyon, habang ngayon ay hindi ko na alam kung bakit patuloy akong gumigising tuwing umaga. Nangungulila parin ako sa aking anak, maging sa ama nito. Nakalipas na ang pasko at bagong taon, pero ang sakit at pangungulila sa aking puso ay nanatili at lalo lamang bumibigat sa bawat araw. Tuluyan nang bumalik sa dati ang aming kabuhayan, masasabi kong mas bumuti pa nga iyon. Salamat kay Don Victor dahil higit pa sa sapat ang binibigay niyang kabayaran sa pagtatrab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD