Nagising ako ng marinig ang mga boses sa sala. Pamilyar kasi ang mga boses doon, lalo na ang boses ni Corro. Hapon na ng tingnan ko sa bintana, alas tres nadin ng hapon ang nakalagay sa cellphone ko. Nag-inat-inat pa muna ako bago ako lumabas patungo sa kusina para mag-ayos. Ayokong makita nila ako sa ganitong itsura, at baka hindi nila ako makilala. Dala ang tinimplang kape, lumabas ako sa sala. Nadatnan ko roon sina Mama Ana at Corro kausap si Inay. Wala roon sina Itay, Tita Vicky, at Nelya, siguro ay naghanap ito ng mapagkakakitaan. Si Nilo siguro ay naglalaro sa labas. "Good afternoon!" Nakangiting bati sa akin ni Corro. Lumapit ito sa akin para yumakap at humalik sa aking sentido. Napatingin naman sa amin ang dalawang ina. "Iha!" Masayang bati rin ni Mama Ana sa akin bago ako nit

