Abril 30, 1899 Sa aking talaarawan, Nalulungkot parin ako, aking kaibigan. Pagkatapos kong magsulat para labas ng sakit na nararamdaman kagabi, ay nakatulogan ko na lamang ang pag-iyak. Sa paggising ko kaninang umaga ay ramdam ko ang namumungay kong mata, dahil sa labis na pag-iyak. Kahit iyong bumangon ay hindi ko magawa dahil tila ako ay nanghihina sa lahat ng naganap kahapon. Hindi ako nakaramdam ng gutom kahit hindi ako binigyan ng pagkakataong kumain. Uhaw ang aking nararamdaman, siguro ay dahil sa labis na pag-iyak. Nang ilibot ko ang aking paningin sa sahig ay maroong tubig roon at pagkain na para sa agahan. Tubig lang iyong ginalaw ko dahil wala rin akong ganang kumain. Nakasarado parin ang pintuan ng kwarto, sinubukan ko iyong buksan ngunit batid kong may nakaharang doon kay

