Marso 1, 1899 Sa aking talaarawan, Magandang gabi sa iyo, talaarawan ko! Napakasaya ko ngayong araw! Napakarami ko na namang isasalaysay na kuwento sayo. Walang mapaglagyan ang aking saya ngayon. Kaninang umaga ay nanghuli ako ng isda sa daungan. Ginamit ko iyong panilong ibinigay ni Isidro at napakarami ko namang nahuli. Inilako ko iyon at hindi na ako nakarating pa sa mga Americano dahil naubos na ang mga iyon sa daan pa lamang. Habang naglalakad naman ako pauwi ay nagulat ako ng makita sina Isidro at Kristina na magkasama. Kung titingnan ay napakakaswal lamang ni Isidro habang kausap si Kristina, ngunit ang babae ay panay ang pagngiti ng malaki at kumikislap pa ang mata habang kausap ang kasama. Ni hindi nga ako napansin ni Kristina sa paglalakad. Si Isidro naman ay bahagyang tuma

