Kabanata 21

2155 Words

Pebrero 27, 1899 Sa aking talaarawan, Magandang gabi sa iyo, aking kaibigan. Magaan ang gising ko kaninang umaga, papaano kasi ay umasa akong magkikita kami ni Hereneyo. Hindi ako naglako o naghabi ngayong araw. Ibang gawain kasi ang ipinagutos sa akin ni Inay, iyon iyong ibigay ko raw ang banig sa bibili niyon at hingan ko ng bayad. Sinunod ko iyon kaya maaga akong umalis ng bahay na dala ang banig. May kalayuan kasi ang aking nilakad para maibigay lamang ang banig na aking hinabi. Sa daan ay tutok ang aking mga mata sa daan. Ayoko kasing makasayad sa lupa kahit na ang dulo lamang ng banig dahil baka mabahiran iyon ng lupa at putik, tiyak na hindi na iyon kukunin ng kung sino man ang nagpagawa. Makarating sa Sitio Balogo, isang parte o sitio rito sa Pasacao, iyong lugar na itinuro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD