Kabanata 44

2370 Words

Marso 28, 1934 Sa aking talaarawan, Masyadong espesyal ang araw na ito para sa akin o para sa aming pareho ni Emmanuel. Ngayon kasi ang kaarawan ng kambal naming anak. Talagang pinaghandaan namin ang araw na ito, talaarawan. Sinikap kong linisan ang lahat ng sulok ng aming bahay at lagyan iyon ng dekorasyong tela katulad nang ginawa ng aking ina noong araw ng pamamanhikan ng mga magulang ni Emmanuel. Kay ganda ng mga kulay pulang tela na nakasabit sa aming mga bintana at pintuan. Nililipad iyon ng masarap na hangin na ikinangingiti ng aking mga anak. Ang kanilang mga mata ay nagniningning sa saya dahil sa mga iyon. Salamat sa aking kaibigan at asawang si Emmanuel. Talagang nagsikap siya upang mabigyan ng maayos at masayang kaarawan sina Viddy at Vicky. Napakabuti niyang asawa at ama,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD