Kabanata 6 A L E X A Why is he here? Sa lahat ng pagkakataon at sitwasyon bakit ngayon pa talaga kami muli pinagtagpo? Hindi ko maiwasang mag-panic sa nakikita kong reaksyon niya habang tinatanaw ako mula sa kabilang lamesa. May bakas ng panunuya ang kanyang ekspresyon, nakaangat ng bahagya ang kabilang gilid ng mga labi at talagang nakatitig lang sa akin. Is he not aware that it's rude to stare at people? Alam ko naman na wala kaming something at ni hindi ko nga maituturing na nagka-something kami dahil sa iilang beses ko lang naman talaga siyang nakausap… Though I admit that I kind of flirted with him. At medyo nagsisisi na ako na ginawa ko iyon. Kung nalaman ko lang sana agad kung sino siya, baka umpisa pa lang umiwas na ako. Kahit mahirap ako at madalas sabihin ng mga kapitbahay na

