Kabanata 7 A L E X A After naming kumain ni Gabriel sa fast food ay sinimulan na namin ang paghahanap sa mga street kids. Ibinigay namin sa mga ito ang mga na take-out naming pagkain bago kami nagpunta sa clinic niya. Maayos at may kalakihan pala ang clinic ni Gabriel, mukhang bigtime din. Ang bait niya din sa mga kasama niya doon sa clinic at mukhang close niya ang lahat doon. Madali lang naman kasi siyang pakisamahan dahil mabuting tao at mapagkumbaba. Hindi na din ako nagtagal sa clinic niya at nagpaalam na ako sa kanya. Sumubok siyang ihatid ako pero hindi na ako nagpahatid pa. Nakakahiya din kasi sa kanya. Saka baka kung ano nanaman ang kumalat na tsismis tungkol sa akin kapag hinatid niya pa ako. Nagpaalam na lang ako ng maayos sa kanya. “So, how was it?” Bumuntong hininga ako

