Kabanata 12 A L E X A Saktong alas-onse ng gabi nang magpaalam si Gabriel na uuwi na. Nagpasalamat ako sa pagdalaw niya, hindi nga talaga siya nagbibiro noong sinabi niya na dadalaw siya dito sa pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko naman kasi akalain na nagpupunta pala sa ganitong klaseng lugar ang mga katulad niya. Para kasing sobrang busy niyang tao para magpunta pa dito. Nang makita ko sa gilid ng mga mata ko si Liam na tumayo sa kinauupuan niya at tila lilipat ng pwesto sa tapat ko ay agad akong nagpaalam sa kasama ko para mag break muna. Hindi ko talaga alam kung paano siya ulit haharapin pagkatapos noong huli naming pag-uusap. Ewan ko. Medyo weird kasi talaga iyong nasabi ko noon. Iba ang dating… Para akong gaga na nagde-demand ng label kahit na hindi naman niya ako kahit kailan nilandi

