Kabanata 11 A L E X A "Ano 'to?" tanong ko kay Liam nang abutan niya ako ng isang parihabang box. May nakatatak doon na luxury brand. Hindi ko alam kung bakit niya ito inabot sa akin at kung para saan ito. Nasa sasakyan niya kami ngayon dahil ihahatid niya ulit ako sa street namin tulad ng nakasanayan na niyang gawin nitong mga nagdaang araw. "Buksan mo," aniya may konting ngiti sa labi. Pero sa brand pa lang na nakatatak sa box ay alam kong mamahalin na ito. Kaya hindi ko agad sinunod ang utos niya. Nanatili akong litong tumitig sa kanya. "Para saan 'to, Liam?" "Hmm? That's my gift for your birthday. Sorry, late na… Hindi ko alam—" "Hindi ko matatanggap ito," agad na putol ko sa sinasabi niya at abot muli sa kanya ng box. Tinanggap niya naman iyon ngunit bakas ang pagkalito sa ka

