Kabanata 10 A L E X A Pagdating namin sa restaurant ng hotel ay naroon na sina Felix at Gabriel, silang dalawa pala ang inimbita nitong si Leanne. Medyo expected ko na din naman iyon dahil sino pa bang iimbitahan niya, eh siya lang naman ang kaibigan ko. Si Felix nakakausap ko lang kapag magkasama kami ni Leanne at biglang sumusulpot ang boyfriend niya. May lahing aso yata itong boyfriend niya at nahahanap siya kung saan kami magpunta. Si Gabriel naman isang beses ko lang siyang nakasama, noong pinilit ako ni Leanne na makipag date sa kanya. Okay naman sa akin na nandito si Gabriel, hindi ko lang gusto ang maya't mayang panunukso sa aming dalawa ni Leanne. "Stop, babe. Baka magkahiyaan ang dalawa n'yan," ani Felix. Mabuti na lang at narito ang boyfriend niya para patigilin siya sa kung

