Kabanata 9 A L E X A Nasa tapat na ako ng bahay ko nang mapansin kong may nakasunod sa akin. Mabilis akong nilingon si Liam na nakasunod pala sa akin mula pa kanina. Napapikit ako ng mariin at humugot ng malalim na buntong hininga. Bakit niya ako sinundan hanggang dito? Alam niya bang sobrang delikado para sa kanya na sumunod pa dito? Buti na lang at walang tambay kanina… Baka napagtripan pa siya kung sakaling nakita siya ng mga iyon. “Bakit ka sumunod?” Tiningnan niya lang ako, halatang hindi alam ang isasagot. Muli akong napabuntong hininga. Ganito ba talaga siya magmalasakit kahit sa mga taong hindi naman niya masyadong kakilala? Kaya siya naaabuso, eh. Masyado siyang mabait. “Delikado sa’yo na sumunod pa dito ng ganitong oras.” “At hindi delikado para sa’yo?” Muli akong napabun

