ALEC POINT OF VIEW Hindi ko na ramdam ang oras. Hindi ko na rin matandaan kung ilang stoplight ang dinaanan ko. Basta alam ko lang, bawat segundo, parang may humihigpit sa dibdib ko. Kanina pa ako dapat nandoon. Kanina pa ako dapat nasa tabi ni Estée. Ang babae ng buhay ko. Ang ina ng anak ko. Pero eto ako ngayon basang-basa sa ulan, nakakapit sa manibela na parang ‘yun lang ang pumipigil sa’kin para hindi tuluyang mabaliw. Nagmamadali ako pero ‘di ako makagalaw nang mas mabilis pa. Ang ulan ay dumadagundong sa windshield, ang wiper ay halos sumuko sa bilis ng bagsak ng tubig. Foggy na ang paligid. Lahat ng ilaw ng sasakyan sa paligid ko ay nagsasama-sama sa paningin ko. Para akong nasa loob ng bangungot habang gising. I glanced at my phone again. Wala pa ring update. Wala pa ring tawa

