Mrs. Monteverde Point of view Hindi ko maalala kung paano ako nakarating sa ospital. Parang isang masamang panaginip. Mula sa tawag ng pulis, sa pagbagsak ng telepono sa sahig, sa sigaw ng asawa ko habang inuutusan ang mga driver na maghanda agad ng sasakyan. Lahat ng ‘yon ay dumaan sa akin nang parang tinangay ng hangin. Ang anak ko. Ang kaisa-isa naming anak. Ang batang inalagaan ko, pinalaki ko ng may karangalan, ay ngayon, wala pa ring malay. Du’n siya nakahiga sa emergency room ng private trauma hospital kung saan agad siyang dinala matapos ang aksidente. Iba ang dinalhan sa kanya, hindi ang ospital kung nasaan ang asawa niyang si Estée. Salamat na lang. Walang ibang dapat makakita sa kanya sa ganitong ayos. Dugo. Napakaraming dugo. May benda sa ulo niya, may cervical brace sa le

