ESTÉE POINT OF VIEW Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa pinto ng hospital room. Limang araw na mula nang isinilang ko si Baby Lumiere ang pinakaimportanteng regalong natanggap ko sa buong buhay ko. Ang lahat ng sakit, pagod, at hirap ng panganganak ay parang nawala lang nang marinig ko ang unang iyak niya. Sobrang liwanag ng ngiti ko noong araw na iyon. Puno ng pag-asa, puno ng pangarap. Pero habang lumilipas ang mga araw, ang bawat segundo ng paghihintay ay unti-unting lumilikha ng puwang sa puso ko. Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko na baka may emergency sa kumpanya. Baka sobrang pagod lang si Alec. Baka... baka may dahilan. "Estee, iha... may dumating na sulat para sa'yo," maingat na sabi ni Yaya Maring habang lumalapit. Bitbit niya ang isang sobre na kulay puti, na

