bc

Ready to Gamble

book_age16+
22
FOLLOW
1K
READ
HE
blue collar
lighthearted
office/work place
secrets
like
intro-logo
Blurb

Aksidente ang pagkakakilala nina Dylan at Lexie na naging dahilan nang biglang pagkawala ng lotto ticket ni Lexie. Sinisisi ni Lexie ang binata na ito ang nakawala ng ticket niya na maaaring manalo ng mahigit isang milyon. Bilang kabayaran, binigyan ni Dylan si Lexie ng isang milyon. Paano ngayon panghahawakan ni Lexie ang isang milyon at ang pag-ibig na iniaalok ng binata?

chap-preview
Free preview
PART 1
Nakatulala si Dylan sa tasa ng kape na nasa harap niya. “Are you listening to me, Dylan?” napapitlag si Dylan mula sa pagkakatitig niya sa tasa. “Yes, daddy?” tanong niya sabay angat ng tingin sa ama.  “What’s happening to you, Dylan? You’re not even listening to me,” nailing na saad ng kaniyang ama. Umupo ito sa katapatan niyang silya. Larawan ang kaniyang ama ng isang istrikto at makapangyarihang ama at lalaki pero sa mga oras na ito ay hindi niya makita ang lakas nito. at the age of 59, ready na itong magretiro sa pagma-manage ng kompanya niya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi nito magawang bitawan ang kompanya. “Dad, imposible na ang gusto ninyong mangyari. Kung gusto nilang makipag-deal sa atin, matagal na nilang ginawa. Isa pa, hindi na sila kailangan ng Averiel Holdings. Kaya nating kitain kung anuman ang pwede nating makuha,” giit niya sa ama. Averiel Holdings was one of their companies. Averiel was one of the companies in the Philippines who made and sold cars. Ito rin ang kompaniya na kasalukuyan niyang mina-manage. At kung tuluyang magreretiro ang ama ay mapapasakaniya nang tuluyan. But there’s a big problem. A very big one. “You know, Dylan that it’s not just about money,” mahinang pahayag ng kaniyang ama. Nakatukod ang isang siko nito sa armrest at hinihilot ang kabilang sentido. “Kung pera at pera lang din, hindi ko na sana hinayaang maging katawa-tawa ako at ang mga kapatid mo na paulit-ulit nakikipag-negotiate sa kanila.” Hindi lingid sa kaalaman niyang matagal nang nililigawan ng ama ang Akira Group. Ang ama pa niya ang may hawak ng Averiel ay nag-oopen na itong makipag-negotiate sa Akira. Sad to say, bigo ang ama niya. His dad tried again with the help of his brothers, but the history repeat itself. Hindi pumayag ang Akira at nagmumukha lang silang katawa-tawa. “Nilalansi lang nila tayo. Pinagmumukha lang nila tayong uto-uto. Gusto nilang gawin natin ito, baguhin natin ito sa contract at kahit sumunod tayo, hindi sila makikipag-deal.” Kalmadong tao si Dylan pero sa pagkakataong ito ay hindi niya maiwasan ang mainis. “Dylan…” nagmamakaawa ang tingin ng ama sa kaniya at parang pinipiga ang dibdib niya. He loved his family, but what his father asking him was too much. “Malaki ang galit sa inyo ni tito, daddy at hindi ko alam kung may puwang pa ba sa kaniya ang pagpapatawad. To think na hindi ninyo naman ginusto ang lahat,” paliwanag niya sa ama sa pag-aasam na maunawaan nito ang lahat. Ang Akira Group ay kompaniya na pagmamay-ari ng tito niya, ang kapatid ng kaniyang daddy. Three and a half decades ago, nagkaroon sila ng alitan tungkol sa pamana ng mga magulang nila. Panganay ang tito niya habang bunso ang daddy niya. Marami ang nag-akala na ang tito niya ang magmamana ng mga ari-arian ng mga lolo’t lola niya pero mali sila. Sa huli, ang ama niya ang nagmana ng lahat na siyang pinag-ugatan ng galit ng tito niya. Inakala nito na plinano ng ama niya ang lahat. Umalis ito at nagpakalayo-layo. His father tried to look for his uncle, but he failed. Hanggang sa nalaman na lang nilang nakapagtayo ito ng sariling kompanya at iyon ay ang Akira Group. Ang goal ng ama niya sa negosasyon ay hindi lang para mas lumago ang Averiel kundi para masuportahan ang Akira. Gusto nitong tulungan ang kapatid, isang bagay na hindi nito nagawa noon. “Allan is mad at me. Ilang taon na pero hanggang ngayon ay iniisip pa rin niyang plinano ang lahat…” Nakatulala na ang kaniyang ama sa kawalan at alam niyang iniisip na naman nito ang kapatid. “Dad…” “Matanda na ako, Dylan. Bukod sa Averiel Holdings na hawak mo, hawak na rin ng mga kapatid mo ang ibang kompaniya na napatayo ko. Halos naikot ko na ang mundo, nabili lahat ng maibigan ko, pero kahit maraming nagagawa ang pera… hindi kayang bilihin noon ang pag-ibig at pagpapatawad.” Tumuwid ng upo ang kaniyang ama at diretsa siyang tiningnan. “This will be last time, Dylan. Attend the meeting at kung hindi pa rin, hindi ko na ipipilit pa na makipag-negotiate ang Akira sa atin.” Tumayo na ang kaniyang ama. Inayos nito ang suot na suit habang nakatingin pa rin sa kaniya. “Iiwan ko na ang lahat sa’yo, Dylan. Hindi na rin kita pipilitin pa.” Walang nagawa si Dylan kundi ang sundan ng tingin ang amang naglakad palabas ng opisina. MAGANDA ang sikat ng araw. Maliwalas ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ni Lexie. Pakembot-kembot pa siya habang naglalakad. Iginigibong ang pang-upo na para bang naglalakad siya sa entablado. Isinasabay pa niya ang hanggang balikat na buhok sa bawat pagalaw. Feeling niya ay isa siyang model ng shampoo. Maganda talaga ang gising niya nang umagang iyon kaya positibo siya na ito na ang araw na matagal niya nang hinihintay. Ang ngiting kanina pang naapaskil sa mga labi niya ay mas lumapad nang matanaw ang naglalakad na matanda. Mukhang nauna na ito sa kaniya sa lottohan. “Magandang umaga, Ka Lito,” bati pa niya sa nasalubong na matanda. Abala ang huli sa pagtingin mula sa maliit na pirasong papel kaya nagulat ito sa naging pagtawag niya. “Ay, ikaw pala iyan, Lexie. Maganda ka pa sa umaga,” masiglang bati din ng matanda na may magiliw na ngiti pagkakita sa kaniya. “Saan ba ang lakad mo?” tanong nito sa kaniya na huminto pa para makausap siya. Hindi din nakalingat ang tingin nitong ibinigay sa kaniya mula ulo hanggang paa. “Tinatanong pa po ba iyan?” malawak ang ngising tanong niya sabay wagayway ng maliit na pirasong papel. Napahalakhak ang matanda nang mapagtanto kung ano ang hawak niyang papel. “Akala ko ay kung saan ka na rarampa, papunta ka lang palang STL.” “Kayo po talaga, Ka Lito,” hagikhik niya sabay ayos ng kaniyang suot ng jumper dress. “Masisisi mo ba ako? Madalang kitang makitang magsuot ng ganiyan.” Isang ngiti na lang ang iginanti niya sa komento ng matanda. Hindi naman niya masisisi ito dahil madalas tattered pants, maluluwang na t-shirt, o coveralls ang suot niya. Tumutulong kasi siya minsan sa kapatid na nasa talyer lalo at day off niya sa mall. “Papunta ka din bang Lotto outlet?” pagkaraan ay tanong ng matanda. “Opo.” “Siya, bilisan mo na. Madami akong kasabay kaninang mananaya doon. Iyan ba ulit ang mga numero mo?” usisa pa nito sabay sulyap sa dalang papel niya. “Pambato ito, Ka Lito kaya dapat inaalagaan.” “Talagang alagang-alaga mo iyang mga numero mong iyan.” “Aba’y dapat lang po. Malakas ang pakiramdam kong dito ako papalarin at nararamdaman kong ito na ang araw na iyon.” “Kaya ba ganiyan ang lapad ng ngiti mo? Parang kumikinang na parang sikat ng araw ah.” “Kayo talaga, Mang Lito. Kanina pa po ninyo ako binobola.” “Hindi naman kita binobola. Siya, ako’y ‘wag mong kakalimutan kapag tumama ka na ha.” “Opo naman.” Nagpaalam na ang matandang lalaki. Dumiretso na siya sa lottohan. May mangilan-ngilan ng mga taong nananaya. “Ate Rhoda!” tawag niya ng makitang walang nagbabantay. Sumilip pa siya sa munting bintana. “Maaga ka rin ngayon, Lexie,” puna ni Ate Rhoda sa kaniya “Sinadya ko po talaga at mamaya ay abala na naman,” paliwanag niya. “Isa ba ulit?” “Opo.” Binigyan siya nito ng papel na may mga numero. Isa-isa niyang tinarahan ang mga numerong nasa papel.   “Alagang-alaga mo iyang mga numero na iyan,” puna ng babae habang pinapanood siya na magtara. “Opo. Birthday po ito ng pamilya ko.” “Magagandang numero nga iyan.” Nang makapagbayad ay nagpaalam na siya kay Ate Rhoda. May pasok pa siya mamayang alas-diyes sa mall bilang isang saleslady. Pero bago pumasok ay binilinan siya ng ina na dumaan sa nakakatandang kapatid na nasa talyer. Habang naglalakad palayo sa lottohan ay hindi nawawala ang ngiti niya. “Last na ito… Last na talaga ito at tatama na ako.” Ipinikit pa ni Lexie ang kaniyang mata at marahang idinampi sa labi ang kapirasong papel. “Sure na sure na ako! Tatama ako at magiging milyonaryo!” sigaw pa niya sabay suntok sa hangin. Patalon-talon siyang naglakad. Positibo siyang ang araw na iyon ang pinakamaswerte niyang araw. Malapad pa ang mga ngiti niya na biglang naglaho pagkatapos makarinig siya nang sunod-sunod na pitada. Napalingon siya sa kanang bahagi. Isang kulay asul na kotse ang paparating papunta sa direksyon niya. Pa-zigzag ang andar nito at hindi niya matukoy kung saan patungo. Aktong uurong siya at babalik sa pinanggalingan pero bumilis ang takbo ng kotse. Pagewang-gewang ang takbo nitong para bang nakikipagpatinetero sa kalsada.  Napatulala na lang siya hanggang sa magpreno ito halos isang metro ang kalayuan sa kaniya. Dinig na dinig niya ang pagsagitsit ng gulong sa kalsada. Tumigil ang sasakyan sa pag-andar pero tila ipinako siya sa kinatatayuan. Namimilog ang mga mata niya habang nakatingin sa kulay asul na kotse. Mabilis ang kabog ng dibdib niya na para bang mauuna pa iyong tumakbo kesa sa katawan niya. Dahan-dahang bumukas ang pinto ng sasakyan at may bumaba roon na lalaki. Nakahawak ang isang kamay nito sa may bandang sentido habang ang kabila ay sa pinto ng kotse. Ang inaasahan niya ay siya ang unang pupuntahan nito pero mas nauna pa nitong silipin ang gulong ng kotse. Napailing pa ito sabay suklay ng buhok gamit ang daliri. Tumigil ang kamay nito sa sariling batok. Doon mas lalong bumilis ang tahip ng dibdib niya. Hindi dahil ng kaba kundi dahil ng inis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook