Ivan's P.O.V. Hindi ako mapakali ngayon. Nasa hospital kami ngayon at hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Patricia. Ang sama ko talaga. Dahil sa sobrang galit ko hindi ko alam na nasasaktan ko na pala ang asawa ko. Napaiyak na ako sa sakit. Agad ko siyang nilapitan ng mahimatay na siya. Doon ako nagising sa katotohanan. Na nasa peligro siya at ang bata. Sariwa pa rin sa aking isipan ang dugo niya sa kaniyang hita. Ang puno ng luha niyang mukha. Ang pagmamaka awa niya sa akin na iligtas ko sila. Hinalikan ko siya sa kaniyang noo. "Im so sorry," sabi ko at hinaplos ang mukha niya. Napakaganda niya pa rin. Walang kupas. Tumunog ang aking cell phone. Brix: Bro, nahanap ko na ang pinahahanap mo. Punta ka na lang dito sa condo ko kasama ko siya ngayon. Tumayo na ako at tumawag n

