Patricia's P.O.V. "Ivan..." tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Hindi niya ako pinapansin. "Daddy, tawag ka ni Mommy," saad naming anak at sumubo na sa kaniyang pagkain. Hindi niya pa rin ako pinakinggan. Tumayo siya at diretso lamang ang tingin sa aming anak. "Blake, let's go. Hahatid na kita," sabi niya at lumakad na palabas. Hindi man lang ako tinapunan kahit isang tingin. Lumapit si Blake sa akin. "Nag away ba kayo Mommy?" malungkot na tanong niya. Ayaw niya ang idea ng kaniyang tinanong. I shook my head. "Hindi, Baby," ngumiti ako sa kaniya. "Sige na. Puntahan mo na ang Daddy mo baka mainip iyon at iwan ka pa," utos ko sa kaniya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa bata na nag aaway talaga kami ng ama niya. Masaya at baka mapalitan iyon ng worry kapag sinabi ko sa ka

