Patricia's P.O.V. "Mommy, anong niluluto mo?" nakangiting tanong ng anak namin. Nagluluto kasi ako ngayon para sa hapunan namin. Galing din akong kaninang umaga sa coffee shop. Kapag wala ako ay si Shane ang nag mamanage noon. "Adobong manok, Baby," sagot ko. Kinuha ko ang sandok at tinikman kung tama na ba ang aking pagkakaluto. Narinig ko namang bumukas ang pintuan. Napatingin kami roon. Si Ivan na pala. Galing sa trabaho niya. Tumakbo si Blake papunta sa kaniya. "Daddy!" masayang sambit nito at niyakap siya sa kaniyang bewang. Ngumiti siya at hinalikan sa ulo ang bata. Bumaling siya sa akin. "Good evening," nakangiting bati niya. "G-good evening rin," nauutal na saad ko. Binalik ko sa niluluto ang pansin. Naiilang pa rin ako dahil sa nangyari kahapon. Remember naghalikan kami.

