Patricia's P.O.V. "Mommy, lets go!" sabi ni Blake at nagtatakbo na sa labas. Lumabas na ako dala ang mga gamit namin ni Blake. Ngayon kasi ang paglipat namin sa mansyon ni Ivan. Noong gabing nag usap kami ay wala na akong nagawang pagtutol. Hindi ko naman kakayanin na mawalay sa akin ang anak niya. Tungkol sa sinabi niyang laban sa akin. Meron naman din akong laban kung tutuusin. Pero mas may laban siya lalo na at inilayo ko ang anak namin sa kaniya. Mas marami siyang connection kumpara sa akin. Isa pa ay ayaw ko ng palakihin ang gulo at idala pa sa korte. Para naman kaming walang pinagsamahan noon. "Ako na," Ivan said. Kinuha ang dala dala kong mga gamit. Lumabas na kami at sumakay sa kaniyang sasakyan. Si Blake na ang pina upo ko sa kaniyang tabi. Nagpwesto na ako sa back seat. S

