Cassian's POV Biglaang nanahimik si Cassiel at kahit ako ay hindi ko alam ang mararamdaman. Hindi maaaring maging ganito ulit ang kulay ng aking mga mata. Hindi ko alam ang ibig-sabihin ng mga 'to. Nawawala na ba ang aking pagiging demonyo? "Dito ka na muna o kaya pumasok ka na sa kuwarto mo, magpahinga ka na," sabi ko kay Cassiel na ngayon ay nakatulala sa karagatan. Bumaba na ang araw at pumalit na ang buwan sa kaniyang puwesto. Naglitawan na rin ang mga bituin sa kalangitan na walang sawa sa pagkinang. "Paano ka? Gabi na, pumasok na tayo." Nakikita ko sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala. Malakas na ang pag-ihip ng hangin at sobrang lamig na ng paligid. Ayaw kong may mangyari pa sa kaniya kapag nagmatigas siyang manatili sa tabi ko. "Ihahatid na kita." Tumayo ako mula sa aki

