Camiell's POV "Ayos ka lang ba?" tanong ng isang anghel na nag-aalala para sa akin. Napangiti na lamang ako bilang sagot sa kaniyang tanong. Hindi ako maayos at mukhang hindi na ako magiging maayos. Habang tumatagal ay palabo na nang palabo na babalik pa si Cassian sa dating siya. Habang tumatagal ay nawawalan na ako ng pag-asa na magtagal pa. Hindi ko dapat iniisip ang mga ganito ngunit hindi ko maiwasan lalo na sa mga nababalitaan ko tungkol sa mga pinaggagawa niyang mga katarantaduhan. Mas lalong dumarami ang kasalanan na kailangan niyang pagbayaran. "Bakit ka ba nagiging ganito?" bulong ko sa kawalan. Kahit alam ko na ang rason ay hindi ko pa rin maintindihan. Hindi ko pa rin maipasok-pasok sa aking isipan na naging ganiyan si Cassian. Hindi ko maisip-isip kung paano, paanong

