Cassian's POV Tuloy-tuloy ang mga luhang hindi ko mapigil. Labis na sakit ang aking nadarama. Ang akala ko ay mananatili na siya ngunit hindi pala, iniwan niya akong muli. Iniisip ko kung bakit bigla-bigla siyang magpaparamdam sa akin ngunit gugulatin niya rin naman ako sa biglaan niyang pag-alis. Sa gitna ng gabi, nakatayo ako at wala nang kahit ano pa. Wala nang nararamdaman ang aking puso kung 'di sakit. Hindi ako masaya, hindi ako tumatawa, palagi na lang akong ganito. Puro pasakit na lang ang tinatamo ko. Sa gitna ng madilim na lugar, nakatingin ako sa itaas at tuwang-tuwa ang mga bituin, lalong-lalo na ang buwan. Natutuwa silang makita ako sa kalugmukan. Bakit pa siya magpapakita sa akin kung iiwan niya rin naman pala akong muli? Bakit kailangan niyang ipamukha sa akin na mala

