Unti-unti kong naimulat ang aking mga mata mula sa napakasamang bangungot na 'yon. Sana lang ay hindi na ako muling managinip, ayaw ko nang mangyari pa iyong muli. Nakatatakot, nakakapangilabot tila ba hindi ako magising. "Gising na po si Cassian!" Narindi ang aking dalawang tainga dahil sa napakatining na boses na bumalot sa buong paligid. Paulit-ulit kong isinara't bukas ang aking mga mata hanggang sa makita ko na ang isang babaeng nakatingin sa akin na halatang-halata na nag-aalala. "Mabuti na lang at gising ka na." Niyakap niya ako nang mahigpit at nagsimulang tumibok ang puso ko nang napakabilis. Hindi ko masyadong maalala kung ano ang nangyari at kung bangungot lang ba talaga ang mga 'yon. Naaninag ng aking mga mata ang dalawang matanda na nakatayo sa gilid ko at nagsimulang pu

